PBBM: P20 bigas, mabibili na... Budol pa more! — VP Sara
- BULGAR

- Apr 24
- 2 min read
ni Mylene Alfonso @News | Apr. 24, 2025
File Photo: Pangulong Bongbong Marcos at VP Sara Duterte / FB
Duda si Vice President Sara Duterte sa plano ng Department of Agriculture (DA) na magbenta ng P20 kada kilo ng bigas na layunin lamang na palakasin umano ang mga senatorial candidate ng administrasyong Marcos.
Sinabi ni Duterte na muling sinusubukan ng gobyerno na lokohin ang publiko tulad ng campaign promise noon na P20 kada kilo ng bigas.
“Well, hindi ko alam kung anong motibo nila. Baka, yes, inaano na nila ang mga tao, binubudol na naman nila ‘yung mga tao sa P20 per kilo na bigas," diin ni Duterte.
“'Di ba ‘yan na ‘yung sinasabi nila noon pa na hindi nila magawa hanggang ngayon dahil hindi nila alam kung paano gawin?" punto pa niya.
"At dahil sa totoo lang, nu'ng sinabi 'yung P20 per kilo na bigas ay nagsinungaling 'yung nagsabi. Alam niyang hindi kayanin pero pinaasa niya ang mga tao na ibibigay ‘yun,” ani Duterte.
“Promise na naman ‘yan sa mga tao na alam mong para lang sa eleksyon at para lang sa kanilang mga senators, para manalo ‘yung kanilang Alyansa kuno,” saad ni VP Sara.
Nangangamba pa si Duterte na posibleng magbenta ang gobyerno ng bigas na maaaring gawing feed para sa baboy.
“‘Pag sinabi natin na P20 per kilo na bigas, ‘yung puwede kainin ng tao... ‘Yan ‘yung P20 per kilo na binibenta, ‘yung pinapakain sa baboy. Hindi mga hayop ang mga Pilipino. Kapag nagbenta kayo ng P20 per kilo, bibili kami lahat kasi puwede siya kainin ng tao,” dagdag pa ng Pangalawang Pangulo.
Una nang inanunsyo ni DA Secretary Francisco Tiu Laurel, Jr. na mapalawig hanggang taong 2028 ang pagbebenta ng P20 kada kilo ng bigas na sisimulan sa Visayas region.
Ito ay matapos ang isang closed-door meeting kasama si Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. at ang 12 Visayas governors sa Cebu Provincial Capitol.
Sinabi ni Laurel na gusto ni PBBM na maipatupad ang naturang programang sa buong bansa sa mahabang panahon.
Napagkasunduan din aniya sa pulong na 10 kilo ng murang bigas kada linggo ang puwedeng mabili ng mga taga-Visayas o 40 kilo kada buwan.
Napagpasyahan aniya na sa Visayas ipatupad ang pilot implementation ng programa dahil dito maraming mas nangangailangan ng murang bigas.
Tiniyak ni Laurel na may sapat silang stocks o imbak na bigas sa Visayas region, kabilang na sa Iloilo city.
Sa kabuuan aniya ay mayroong 358,000 toneladang bigas ang kanilang nasa iba't ibang warehouses, na kailangan na rin aniyang maipalabas dahil panahon ngayon ng anihan.
Dagdag pa ng Kalihim, nasa 3.5 hanggang 4.5 bilyong piso ang gagastahing pondo ng pamahal










Comments