PBBM, ‘di nagnakaw ng pera, ‘di gumagawa ng kamalian — Palasyo
- BULGAR

- 3 hours ago
- 1 min read
by Info @News | January 12, 2026

Photo: SS / PCO
Walang Mary Grace Piattos ang pangulo
Ito ang iginiit ni Palace Press Officer at Presidential Communications Office (PCO) Usec. Claire Castro sa mga taga-suporta umano ni Vice President Sara Duterte na nasa likod ng usap-usapang impeachment complaint laban kay Pangulong Ferdinand Marcos, Jr.
“Ang Pangulo, hindi po siya nagnanakaw ng pera. Pangalawa, siya ang nagpapaimbestiga sa maanomalyang flood control projects at maaaring naging sanhi ng korupsiyon,” ayon kay Castro.
Dagdag pa niya, “Sa ngayon, tiwala pa rin ang Pangulo na mayroong pagtitiwala sa kanya ang mga mambabatas dahil hindi naman gumagawa ng kamalian ang Pangulo.”








Comments