PBA D-League Aspirants Cup simula na bukas sa big dome
ni Anthony E. Servinio - @Sports | July 6, 2022

Nakahanda na ang lahat para sa pagbubukas ng 2022 PBA D-League Aspirants Cup ngayong Huwebes sa Araneta Coliseum. Matapos ang dalawang taon, walong koponan ang nakatakdang magharap at kahit sino sa kanila ay may pag-asa na mauwi ang kampeonato.
“Ang D-League ang pangunahing amateur tournament sa bansa at daan para makapasok sa PBA,” wika ni PBA Deputy Commissioner Coach Eric Castro sa lingguhang Philippine Sportswriters Association (PSA) Online Forum. “Simula ngayon ay kailangan muli dumaan sa D-League ang mga nagnanais na maging bahagi ng susunod na PBA Rookie Draft.”
Kasama ni Coach Castro ang mga coach na sina Edgar Macaraya ng APEX Fuel-San Sebastian at Jinino Manansala Sr. ng Adalem Construction-Saint Clare College at assistant coach Gian Nazario ng Eco Oil-De La Salle na kumatawan kay Coach Frederick Pumaren. Ang lima pang mga kalahok na koponan ay Wang’s Basketball-Letran, Centro Escolar University, AMA Online Education, Builders Warehouse-UST at Marinerong Pilipino.
“Hindi kami sumali sa D-League upang tumakbo lang, lalaban kami kahit puro rookie ang player namin,” pahayag ni Coach Manansala na pinili ang Wang’s, Eco Oil at Marinero bilang mga paborito para sa korona. Aasa ang Saints kay 20th NAASCU MVP Johnsherick Estrada at 6’8” Babacar Ndong na buhatin ang koponan.
Para kay Coach Macaraya, malaking hamon para sa APEX Fuel ang harapin ang mga koponan na may banyagang mag-aaral gaya ng Adalem Construction at Eco Oil.
Dahil nasa Alert Level One, bukas sa publiko ang mga laro sa Araneta, Ynares Sports Arena sa Pasig at Ynares Center sa Antipolo subalit kailangan ng vaccination card at magsuot ng face mask palagi. Susundan ng D-League ang parehong health at safety protocol na pinapairal sa PBA na may kasamang pagsusuri bago ang laro.
Mga laro ngayong Huwebes – Araneta Coliseum
10:30 AM Wang’s Basketball vs. Adalem Construction;
12:30 PM Centro Escolar vs. AMA Online





Comments