top of page
TEKA NGA - GARY V., 62 NA, WALA PA RING BALAK MAG-RETIRE_IG _garyvalenciano.jpeg

Patuloy na pagtaas ng COVID-19 cases, ‘di dapat dedmahin

BULGAR
Sep 14, 2021
1 min read

@Editorial | September 14, 2021


Kasabay ng mga pagbabago sa ipinatutupad na community quarantine, tila patuloy naman ang pagtaas ng kaso ng COVID-19.


Ayon sa OCTA Research Group, nakitaan ng panibagong pagtaas ang reproduction number o kaso ng hawahan ng COVID, partikular sa National Capital Region (NCR).


Nasa halos 9,000 umano ang daily average ng COVID-19 cases sa Metro Manila.


Samantala, kabilang naman sa nakapagtala ng pinakamataas na bagong kaso ng COVID-19 ang mga lungsod ng Quezon, Maynila, Caloocan, Pasig, Taguig, Parañaque, Makati, Valenzuela, Davao at Iloilo.


Bagay na hindi dapat balewalain, sa halip ay mas pag-aralan kung bakit patuloy ang pagkalat ng virus.


Kahapon, pumalo na naman sa mahigit 20,000 ang bagong kaso ng COVID. Kung patuloy ang ganitong bilang at darami pa ang maoospital, paano na?


Sana ang quarantine classification na sasabayan ng granular lockdown na ang maging solusyon. Sa pamamagitan nito ay tuluyan nang mapipigilan ang hawahan. Pakiusap sa mga residenteng maisasailalim sa ganitong paghihigpit, sumunod na lang tayo at huwag nang makipagtalo.


Huwag nang makipagmatigasan sa mga awtoridad, ‘pag sinabing bawal lumabas, bawal.


Alam nating mahirap at nakakapagod na ang lockdown, kung puwede nga lang na palabasin na lahat at buksan na ang mga establisimyento, pero baka mas lalo tayong malagay sa alanganin.


Sa ngayon, subukan muna natin itong bagong estratehiya, sana maging mas epektib at nang tuluyan nang makontrol ang pandemya.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page