top of page
TEKA NGA - GARY V., 62 NA, WALA PA RING BALAK MAG-RETIRE_IG _garyvalenciano.jpeg

Patakaran sa pagsusuot ng face shield, dapat linawin

Writer: BULGAR
BULGAR
Nov 20, 2021
1 min read

@Editorial | November 20, 2021


Ilang araw matapos payagan ang hindi na pagsusuot ng face shield sa mga lugar na nasa Alert Levels 1, 2 at 3, kabilang ang Metro Manila, may inilabas na paglilinaw ang Inter-Agency Task Force (IATF).


Sa huling inilabas na resolusyon ng IATF, sinabi ni acting presidential spokesperson at CabSec. Karlo Nograles na bagama’t voluntary na lang ang paggamit ng face shield sa mga lugar na ito, binibigyang-diin na puwede pa ring i-require ng mga employers at maging ng mga pribadong establisimyento sa kanilang mga kawani at parokyano ang paggamit nito. Bagay na nagdudulot ngayon ng kalituhan, lalo na sa publiko. Ang alam kasi ng karamihan ay hindi na mandatory ang face shield, paano kung may mga lugar na bigla pala itong ire-require? Posibleng mauwi pa sa hindi pagkakaunawaan.


Ang mga ganitong laban-bawi na panuntunan ang dapat na iwasan. Samantala, sa usapin naman ng on site capacity sa mga tanggapan ng gobyerno, ipinaalala na ang mga nasa Alert Level 4 ay mayroon hanggang 40% minimum capacity. Sa mga nasa Alert Level 3, 60% ang pinapayagang minimum capacity, habang ang nasa Alert Level 2 ay pinapayagan na ang sa 80% minimum capacity.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page