Paskong tuyo, ‘wag naman sana
@Editorial | October 6, 2022
Naitala ang pinakamabilis na pagtaas ng presyo ng mga bilihin.
Ito ay batay sa report ng Philippine Statistics Authority (PSA).
Bumilis umano ang antas ng paggalaw ng bilihin at mas tumaas ito kumpara sa Agosto 2022 na mayroon 6.3%.
Nasa 6.9% ang pag-angat noong Setyembre na mayroong average o kabuuan na 5.1% simula Enero hanggang Setyembre nitong taong kasalukuyan.
Isa sa sinasabing dahilan ay ang mas mabilis na pagtaas ng presyo ng food and non-alcoholic beverages na may 7.4% inflation at 70.6% share sa pagtaas ng pangkalahatang inflation sa bansa.
Ito ang mga pangunahing nag-ambag sa pagtaas ng pangkahalahatang inflation kabilang na ang presyo ng gulay, asukal, harina at iba pa.
Sa kabila ng mabilis na taas-presyo, umaasa tayo na hindi naman tayo makararanas ng Pasko tuyo.
Magtuluy-tuloy lang sana ang negosyo at trabaho. Mas maging malawak na sana ang kalakalan hanggang sa bumalik sa normal at magtuloy sa pag-unlad.
Kung magtutulungan ang mamamayan, mga pribadong sektor at ang gobyerno, walang imposible.



Comments