Paskong Kapampangan: San Fernando, Pampanga, nagkabit ng makukulay na ilaw at patrol sa mga kalsada
- BULGAR

- Oct 30, 2021
- 1 min read
ni Jasmin Joy Evangelista | October 30, 2021

Buhay na buhay ang Paskong Kapampangan!
Pinuno ng makukulay na ilaw at parol ang kahabaan ng Jose Abad Santos Avenue sa City of San Fernando, Pampanga.
Kilala ang Pampanga bilang Christmas Capital of the Philippines at Home of the Giant Lantern Festival.
Ayon sa Facebook page ng Pampanga PIO, “Ang mga dekorasyong pamaskong ito ay nagbibigay paalala sa lahat ng taga-Pampanga at Pilipino sa buong mundo na buhay ang pag-asa sa gitna ng problema, sakuna at nararanasang pandemya.”





Comments