Pasig City, mamimigay ng cash incentives sa mga senior citizens na edad 90, 95, at 100
- BULGAR

- Jul 15, 2020
- 1 min read
ni Ronalyn Seminiano Reonico | July 15, 2020

Makakatanggap ng cash incentives mula na P10,000 hanggang P30,000 ang mga senior citizens ng Pasig City na edad 90, 95 at 100 ayon kay Mayor Vico Sotto.
Tweet ni Mayor Vico, “Mukhang araw ng mga seniors ngayon, ah! Kaninang umaga nagkasal ako ng senior citizen couple. Ngayon naman pinirmahan ko ang disbursement voucher para sa financial incentive ng mga nag-90, 95 at 100 yrs.”
Aniya, aabot sa P780,000 ang ipapamigay na cash incentives. 39 citizens na edad 90 ang
makatatanggap ng P10,000, 6 seniors naman na edad 95 ang makakatanggap ng P20,000 at 9 na 100 years old ang makakatanggap ng P30,000.





Comments