Pasaway sa parking at basura, yari sa NCAP
- BULGAR

- Apr 24
- 1 min read
by Info @Editorial | April 24, 2026

Hindi na bago ang eksena na may nakahambalang na sasakyan, may kalat sa kalsada, at may mga taong kampante na makakalusot.
Pero iba na ngayon. Sa ilalim ng No Contact Apprehension Policy o NCAP, kapag na-hulicam ka na lumabag, may katapat na parusa.
Ang illegal parking ay hindi simpleng abala—ito’y sanhi ng trapik, aksidente, at away sa kalsada. Ang pagkakalat naman ay malinaw na kawalan ng disiplina. Parehong mali, parehong may epekto sa nakararami.
Kung tutuusin, hindi naman kumplikado ang batas: huwag humarang, huwag magkalat. Pero bakit parang ang hirap sundin?
Hindi na puwede ngayon. Ang NCAP ay paalala na may hangganan ang pagiging iresponsable. Hindi ito pananakot—ito ay pagpapatupad ng kaayusan.
Kaya kung pipiliin mong maging pasaway, tanggapin mo ang kapalit.
Masyado nang maraming problema ang bansa, huwag nang dagdagan pa.



Comments