Party drugs, pigilan sa pagkalat
- BULGAR
- 11 hours ago
- 1 min read
by Info @Editorial | October 2, 2025

Isang resort ang sinalakay kamakailan. Halos 30 ang naaresto, at may mga party drugs na nasamsam.
Isa na namang insidente na nagpapakitang ang droga ay hindi na lamang problema ng lansangan — kundi ng mga lugar na dapat ay para sa pahinga at ligtas na kasiyahan.
Ang masaklap? Parang normal na lang ito, marahil dahil walang sapat na pananagutan. Kadalasan, ang nahuhuli ay ang maliliit. Pero ang mga tunay na utak, organizers at suppliers ay nananatiling ligtas.Hindi sapat ang operasyon kung walang follow-up.
Kailangan ng malalimang imbestigasyon, monitoring, at matinding pananagutan sa lahat ng sangkot.At para sa kabataan: huwag gawing uso ang kapahamakan. Walang “saya” sa party drugs.
May ending ito — at hindi iyon masaya.Kung patuloy na ino-normalize ang ganitong pangyayari, tayo rin ang talo. Panahon na para maging seryoso.
Ang droga, kahit saan mo ilagay, sa resort man o eskinita ay mananatiling panganib.
Comments