Parehong bakla pero magkaiba ang opinyon… MADER RICKY AT RENEE VS. VICE SA SOGIE BILL
- BULGAR

- Jul 2
- 2 min read
ni Ambet Nabus @Let's See | July 2, 2025
Photo: Cristine Reyes - IG
“Live and let live. Love and let love,” ang tugon ng mga supporters at naniniwala kina Mama Renee Salud at Mader Ricky Reyes tungkol sa pananaw nila on LGBTQIA+ plus community’s fight for the approval of the SOGIE bill, among other concerns ng nasabing sector.
Mainit pa rin kasi ang diskusyon sa isyung ito na nataon sa Pride month celebration at mga diskurso tungkol dito.
Naging sentro nga sina Mama Renee at Mader Ricky ng usapin lalo’t may gaya naman ni Meme Vice Ganda, na very vocal din sa kanyang pananaw.
Inakala nga ng iba na nagpaparunggitan sila pero kapag pinakinggan mo namang mabuti ang mga sinasabi nila, maa-appreciate at maa-admire mo ang brilyo ng mga opinion nila.
Galing sa magkaibang panahon, karanasan, pakikisalamuha at school of thought ang magkabilang kampo.
Kapwa makabuluhan at batay sa mga aral at karanasan ang kanilang mga pahayag. No reason to say who’s saying right or wrong dahil nga mga buhay na patotoo sila na ang LGBTQIA+ community ay bahagi ng humanity and are here to stay and enjoy everything that’s being given to any person, be he or she, they or we, or whatever one wants to label themselves.
Makulay ang mundo. Makulay ang buhay, so live and love them!
Happy Pride month, mga Ka-BULGAR!
WHETHER kinakarir ni Carla Abellana ang pagbibigay-pahayag sa mga isyu ng lipunan or simpleng concerned lang siya o sabi ng iba ay papansin lang, the fact remains, nakakatulong ang pag-iingay nito at paggamit ng socmed (social media).
Marami nga ang humanga sa aktres nang i-call out niya ang water company ng mga Villar dahil sa umano’y “unreliable” services nito.
Kahit ang mga taga-Bicol, Bulacan at Las Piñas residents/consumers na sineserbisyuhan ng naturang water company ay nagpapasalamat kay Carla dahil naging boses daw nila ang aktres sa umano’y ‘palpak’ ngang mga serbisyo nito.
Kahit tinatawag ng iba na pakialamera si Carla, kung may mabuti naman daw itong naibibigay sa mga paying consumers, “Kakampi n’ya kami,” ang susog pa ng mga ito.
Hirit pa nila, “Kumpara naman sa ibang influencers or celebrities or even politicians there na puro ngiyaw-ngiyaw lang, mamahalin na namin si Carla dahil sa pagiging vocal at consistent nito sa mga usaping-panlipunan.”
Ibang usapan na raw ang pagiging aktres o artista nito lalo’t tila once a year na lang daw itong magka-project?
MEANWHILE, kontrabida nga ba ang style ni Gladys Reyes both in TV at pati sa mga anak niya in real life?
Iyan ang ayaw na style ni Gladys Reyes pagdating sa parenting, na ise-share niya sa hearing/vodcast na Your Honor (YH).
Kasama ang mga hosts na sina Madam Chariz Solomon at Mr. Buboy Villar, ipapatawag nila ang resource person na si Gladys para sa usaping “In aid of parenting: kontrabida ba ang namamalo?”
Sa hearing na ito, pagkukuwentuhan ang iba’t ibang paraan ng pagdidisiplina sa mga anak at alamin kung effective pa ba ngayon ang pamamalo sa bata.
Abangan ang YH sa livestream tuwing Sabado, pagkatapos ng Pepito Manaloto (PM) sa YouTube (YT) channel.
Mapapanood din ang episodes sa Your Honor Spotify at Apple Podcasts.










Comments