ni Beth Gelena @Bulgary| August 11, 2024
Kasama si Lotlot de Leon sa bagong serye nina Janine Gutierrez, Jericho Rosales at Jodi Sta. Maria.
May ibinulgar si Lotlot sa anak niyang si Janine at kay Echo. Malimit kasing nakikitang lumalabas ang dalawa, kaya hindi maiwasan na magtanong ang mga netizens kung ano ang totoo sa mga ito.
For real daw ba o reel lang ang namamagitan sa dalawang Kapamilya actors para sa promotion ng kanilang Lavender Fields (LF) series?
Kasama rin sa LF serye sina Jolina Magdangal, Albert Martinez, Edu Manzano at Maricel Soriano.
Ayon kay Lotlot, wala raw masama kung nagkakamabutihan ang kanyang anak at si Jericho dahil pareho naman daw single ang mga ito. Lalo pa at marami siyang naririnig na mabuting tao si Echo at very responsible person.
“Both are single, mature, and already adults, so, there’s nothing wrong about it.
“I know that he’s also maalaga, maasikaso, mapagmahal sa pamilya, he’s very family-oriented, and he’s a very responsible guy. So, yeah, that’s how I know him, that’s what I know of him also,” pahayag ng aktres.
Kung mag-e-elevate raw ang Janine-Echo relationship at 'yun ang desisyon ng anak ay wala siyang magagawa. May trust daw siya kay Janine Gutierrez.
Binigyan ng award si Gerald Anderson dahil sa pagtulong na kanyang ginawa nu’ng nakaraang Bagyong Carina.
Buwis-buhay ang aktor sa pagsagip sa ilang pamilyang binaha sa Quezon City.
Sa Instagram (IG) ng Star Magic, very proud nilang ipinost ang kagitingang ginawa ng kanilang talent.
Anila, “Not just a Tatak Star Magic artist, but also a courageous Auxiliary Commander in the service of the Filipino.
"#GeraldAnderson’s eventful PCG Auxiliary Search and Rescue award ceremony. Congratulations Gerald!”
Papuri naman ng mga netizens kay Gerald, “Deserving talaga and nice Cartier watch.”
“Ang guwapo talaga ni Gerald, mas gumuwapo dahil sa kabutihan at kabayanihan.”
"Ganito dapat, may ambag sa society, hindi ‘yung naka-uniform lang at tumatanggap pa ng pay from our government. Buti pa 'to si Gerald.”
“True! At saka ‘to ‘yung talagang worthy magsuot ng mga ganitong uniform, ‘di pang-clout lang.”
Mukhang sour graping naman ang isang netizen, “Iba talaga 'pag artista, may award, ‘yung ibang reservist, may award din kaya?”
Pagtatanggol ng ibang mga netizens, “Ugh, imagine all the flood water he swallowed.”
“Exactly, sacrifice talaga.”
“Well deserved recognition. Ito ‘yung talagang umaksiyon, literal. Salamat, Gerald, for all you did during the typhoon. Mabuhay ka!”
“Deserve kasi own initiative na tumulong. Mabuhay ka, Gerald! Ipadala na ‘yan sa Scarborough Shoal! Charot. But seriously, kudos, bro!”
“Kaya kahit bina-bash s’ya, hindi ko magawang magalit dito. Mabuting tao, matulungin sa kapwa, magalang sa mga nakakausap n’ya. Sana, dumami pa ang mga heroes na katulad mo, Gerald."
“Bakit s’ya lang daw ang ni-recognize. Paano naman daw ‘yung mga normal na tao? Eh, di du’n kayo magreklamo sa barangay-tanod n’yo, kung gusto n’yo ng award. Pati ‘yung mga kasama sa rescue team ni Gerald, may recognition din. Thank you Gerald, you truly deserve that award. People know you’re always there for them when needed!”
“At sana, gumaling din ang mga nasa ospital ngayon due to leptospirosis na hindi kasingsuwerte n’ya na nakapagpagamot agad."
Isinugod si Darren Espanto sa ospital dahil sa appendicitis.
Pabalik na ng Manila ang singer after ng ASAP show nila sa Amerika.
Sa Instagram (IG) post ng singer, aniya, may “plot twist” na nangyari habang pabalik na siya ng Manila.
Sa larawan, makikitang nakahiga na siya at nakasuot ng patient gown.
“From the airport to the hospital. Sabi sa inyo, grabeng plot twist nangyari sa ‘kin, eh. Appendicitis suddenly hit during my flight back to Manila. I was supposed to be back on Showtime today but emergencies happened talaga. Shoutout to my family and friends who have prayed for me!” ani Darren.
“To the producers of the shows I was supposed to be part of in the next few days, I am so sad to have canceled so last minute. I hope to work with y’all soon pa rin po! Thank you for understanding!” dagdag pa ng singer.
Dahil sa pangyayari, hindi na rin makaka-attend si Darren sa Tandaya Festival 2024 Samar Day Celebration ngayong Sunday kung saan isa siya sa mga performers.
Comments