top of page
Search
  • BULGAR

Paraan para magkatuluyan ang mag-dyowang ‘di compatible ang zodiac sign

ni Maestro Honorio Ong - @Kapalaran ayon sa Numero| July 16, 2022


Dear Maestro,


Kahit hindi ba magka-compatible ang dalawang zodiac sign, pero compatible naman sa Numerology, maaari rin bang magkatuluyan ang mga ito?


November 16, 1994 ang birthday ko at isa akong Scorpio, habang August 2, 1993 naman ang boyfriend ko na isang Leo. Sa pagkakaalam ko, hindi kami compatible sa Astrology, pero compatible kami sa Numerology. Ang birth date ko na 16 ay tugma naman sa birth date na 2 ng boyfriend ko, ibig sabihin ba nito, kami pa rin ang magkakatuluyan at magsasama habambuhay?


Umaasa,

Kaylee ng Iba Este, Calumpit, Bulacan


Dear Kaylee,


Palagi namang nangyayari na kahit hindi magka-compatible, hindi lang sa Astrology kundi pati sa Numerology ay nagkakatuluyan pa rin. Pero ang tanong, nagiging produktibo at maligaya ba ang kanilang relasyon?


Maaaring masabi nating hindi, dahil sa maraming pagkakaiba ng mga ugali at gusto nila sa buhay, kaya sa huli, puwedeng hindi rin maging successful ang ganu’ng relayson na kapwa hindi magka-compatible sa Astrology at Numerology. Gayunman, ang hindi pagiging magka-compatible ng dalawang indibidwal sa Astrology at Numerology ay maaari namang mapagtakpan kung tunay silang nagmamahalan.


Kumbaga, sa palasak na kasabihang, “Wala nang higit na magbibigay ng pag-unlad at kaligayahan sa magkasintahan kung kapwa naman sila nagmamahalan.”


Ang kaso, sa pagmamahalang ito, sana ay hindi lumilipas o nawawawala. Ang kadalasan kasing nangyayari, sa simula lang nagiging mainit ang relasyon, pero dahil may human weakness at kapag tumagal ay likas sa tao ang magsawa, nawawala ang alab ng pagmamahalan.


Sa puntong unti-unting lumalamig ang pagmamahalan ng magkapareha, lalong nagiging mahalaga ang compatibility. Dahil kahit wala nang pag-ibig o mahina na ang init ng pagmamahalan, kung compatible sila, puwedeng mananatili pa rin ang masaya at panghabambuhay na relasyon.


Ang pinakamalungkot na mangyayari ay kapag hindi na compatible sa Numerology at Astrology, at hindi pa sila nagmamahalan nang tapat.


Sa kaso mo, Kaylee, dahil compatible naman kayo sa Numerology, kung saan ang birth date mong 16 o 7 (ang 16 1+6=7) at 2 naman ang boyfriend mo ay tugma at sa pang-istatistikal na basehan, sila ang madalas na nagkakatuluyan. Kaya kung dadagdagan pa ng tunay na pagmamahalan ang inyong samahan, posible pa ring magiging matagumpay at magkaroon ng maligaya at panghabambuhay na samahan.


Dagdag pa rito, ang hindi alam ng marami, dahil ang Scorpio ay may pambihirang “sexual energy” o puwede ring tawaging “strong magnetic field”, lalo na sa ka-immoralan at seksuwal na usapan, sabihin na nating may kakaiba silang libido, pangkaraniwan nang hindi sinasadya ng tadhana na halos lahat ng zodiac sign ay nagiging ka-compatible ng Scorpio.


Kaya, Kaylee, tulad ng nasabi na, basta’t nagmamahalan kayo ng boyfriend mo at nananatili ang pagiging tunay na magka-compatible ng birth date na 16 o 7 at 2, gayundin ang kapangyarihan ng zodiac sign na Scorpio, may pangako pa rin ang kapalaran ng maligaya, maunlad at panghabambuhay na samahan.

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page