Para sure na kaya pang magtrabaho... Gov’t. officials, mag-submit ng medical record taun-taon
- BULGAR

- Sep 11, 2020
- 1 min read
ni BRT | September 11, 2020

Inihihirit ni Senate President Vicente Sotto III na magtakda sa mga opisyal ng pamahalaan na magsumite ng kanilang medical certificate, taun-taon upang malaman kung kaya pa nilang gampanan ang kanilang trabaho.
Sa ilalim ng Senate Bill 1818, dapat magsumite ang mga opisyal ng pamahalaan ng medical certificate at laboratory test results bago o pagsapit ng Abril 30 ng bawat taon.
Mapapataas umano nito ang antas ng health consciousness sa mga opisyal at kawani ng gobyerno.
Matitiyak din umano na nasa mahusay na pangangatawan at isipan ang mga nagsisilbi sa gobyerno na kaya nilang gampanan ang kanilang tungkulin.
Maaari umanong gawin ang annual physical examination ng mga opisyal at kawani sa public o private hospital, o sa diagnostics clinic na accredited ng Department of Health.





Comments