top of page
Search
BULGAR

Para sa next administration... Presidential transition team, binuo – Palasyo

ni Lolet Abania | May 12, 2022



Bumuo ang administrasyong Duterte ng isang transition committee na magtitiyak para sa maayos na paglilipat ng kapangyarihan o transfer of power, bago sumapit ang Hunyo 30.


Sa Talk to the People na ipinalabas ngayong Huwebes nang umaga, sinabi ni Executive Secretary Salvador Medialdea na nag-isyu si Pangulong Rodrigo Duterte ng Administrative Order 47, para sa paglikha ng Presidential Transition Committee (PTC).


“The PTC will oversee the implementation of the transition activities of the entire government and see to it that delivery of services to the public remains unhampered,” paliwanag ni Medialdea.


Ayon kay Medialdea, nakasaad din sa AO ang isang direktiba para sa lahat ng mga departamento, bureau, at instrumentalities ng gobyerno na bumuo ng kanilang sariling internal transition committees.


Si Medialdea ang magsisilbing chairperson ng komite.


Kabilang sa kanilang mga miyembro ay sina Department of Foreign Affairs (DFA) Secretary Teodoro Locsin Jr., Department of Finance (DoF) Secretary Carlos Dominguez III, Department of Budget and Management (DBM) Undersecretary Tina Rose Marie Canda, at Socioeconomic Planning Secretary at National Economic and Development Authority (NEDA) chief Karl Kendrick Chua.


“We will work closely with the representatives of the incoming administration to ensure a peaceful and orderly transfer of power,” ani Medialdea.


Base sa unofficial count, parehong sina presidential candidate Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. at kanyang running mate, vice presidential candidate Sara Duterte, ang nangunguna sa katatapos na 2022 elections, na may mahigit sa 98% ng election returns na naipadala na sa Commission on Elections (Comelec).


0 comments

Recent Posts

See All

תגובות


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page