top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

Para mas safe, magsuot ng face mask, period!

BULGAR
Jun 17, 2022
1 min read

@Editorial | June 17, 2022


Patuloy ang isyu sa pagsusuot ng face mask.


Tulad ni Cebu Governor Gwen Garcia, naniniwala rin si Presidential Adviser for Entrepreneurship Joey Concepcion na hindi kailangan ang mandatoryong pagsusuot ng face mask kapag nasa labas ng bahay o outdoors.


Aniya, dapat na hayaan na ang local government units (LGUs) ang magpasya sa usaping ito.


Gayunman, iginiit ng Department of the Interior and Local Government (DILG) na ipinatutupad pa rin ng National Government ang mandatoryong pagsusuot ng face mask sa gitna ng COVID-19 pandemic. Kaya patuloy ang pag-confront sa mga violators at kung kailangan na sila’y arestuhin kapag ayaw nilang sumunod ay gagawin ng kapulisan.


Sa gitna ng ‘nag-uumpugang bato’, tayo na bilang mamamayan, ang magpasya kung ano ba ang higit na makabubuti para sa sarili at lalo na sa ating pamilya.


Tumataas na naman ang kaso ng COVID-19 at may mga kilala pa tayong nagpopositibo o muling nagpositibo, na nangangahulugan na nasa paligid lang talaga ang virus.


Alalahanin natin ang mga bansa na matapos magtanggal ng face mask ay biglang nagka-COVID surge.


Isipin natin kung ano ang mas makabubuti at mas ligtas. Mahirap magbakasakali at magsisi sa huli.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page