top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

Para iwas-gulo, sumunod sa batas ng ‘Pinas

Writer: BULGAR
BULGAR
Feb 26, 2022
1 min read

@Editorial | February 26, 2022



Kasabay ng pagluluwag sa mga panuntunan sa gitna ng pandemya, partikular sa pagpapapasok sa mga dayuhan, nagpaalala ang Bureau of Immigration (BI) sa mga ito na magparehistro sa ahensiya hanggang March 1 upang makapaghain ng kanilang 2022 annual report (AR).


Nakasaad sa Alien Registration Act na dapat mag-report nang personal ang BI-registered aliens sa ahensiya sa unang 60-araw kada taon.


Sinumang dayuhan ang bigong makapaghain ng AR ay maaaring maharap sa parusa, kabilang ang multa o deportation.


Hinikayat ang mga hindi pa nakakapaghain ng kanilang AR na kumuha nang slot sa pamamagitan ng online appointment system ng BI. Obligadong sumunod sa annual reportorial requirement.


Katulad ng pagsunod ng mga Pinoy sa mga patakaran sa ibang bansa, ganundin ang inaasahan sa mga dayuhang pumapasok naman dito. Sa pamamagitan nito ay maiiwasan ang hindi pagkakaunawaan.


Paalala rin sa mga kinatawan ng ahensiya ng gobyerno, tiyakin nating naipatutupad nang maayos at tama ang bawat patakaran. Bawal ang shortcut at palakasan. Gawin natin ang sistema. Sakaling may mga pasaway, ipataw ang batas at hindi palusot.


Ipakita natin sa mga dayuhan na tayo’y tapat at may respeto sa mga panuntunan na tayo rin ang may gawa alang-alang sa kapakanan ng bawat mamamayan.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page