Para ‘di naaantala ang ayuda — P-Digong... National ID, madaliin na
- BULGAR

- Jun 20, 2020
- 1 min read
Updated: Jun 22, 2020
ni Mylene Alfonso | June 20, 2020

Photo: Source
Target ng pamahalaan na maisama na sa national database ang lahat ng mga Filipino
pagdating ng taong 2022.
Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, pinamamadali na ni Pangulong Rodrigo
Duterte sa National Economic Development Authority (NEDA) ang pagpapatupad ng national ID system.
'Ito po iyong pinagbilin ni Presidente kay acting Secretary Karl Chua na talagang madaliin itong implementasyon ng national ID system dahil kung mayroon na nga tayo na national ID system, hindi na sana naantala iyong pagbibigay ng ayuda sa ating mga kababayan, 'ani Roque.
"So as of now po, tina-target po ng NEDA na itong taon na ito ay ma-cover po ang five million Filipino households. At inaasahan din po nila na by 2022, every Filipino will be included in the database of the national ID system" wika pa ng Kalihim.
Nakita umano ng Pangulo ang kahalagahan ng nasabing system sa gitna ng pandemya lalo na sa aspeto ng pamamahagi ng mabilisang ayuda sa mga biktima ng iba't ibang uri ng kalamidad, mga sakuna at health crisis.
Dagdag ni Roque, kung naipatupad sana nang mas maaga ang national ID system, hindi
maaantala ang pamamahagi ng tulong sa mga Filipino at hindi nabahiran ng katiwalian ang pamimigay nito.
Sa kasalukuyan, inuunang mailagay sa national database ang 5 milyong mga Filipino households at target itong matapos ngayong taon.





Comments