top of page

Para ‘di laging nakahingi sa magulang, tips sa maagang diskarte ng bata sa pera

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Aug 27, 2020
  • 3 min read

ni Nympha Miano-Ang - @Life and Style | August 27, 2020




Nakakita ka ng isang bagay sa tindahan na akala mo ay kailangan mo, pero wala kang sapat na pera para mabili ito. Kung nais malaman kung paano magkakaroon ng sariling pera, heto ang gawin habang bata pa.


1. Kung may alam kang tao na handang magbigay sa iyo ng gantimpalang pera sa kanya ka na makipag-usap.


2. Magkaroon ng magandang marka sa klase at maging mahusay sa eskuwelahan, ito ang isang mainam na paraan para kumita ng pera. Tiyak na mabibigyan ka ng gantimpala ng iyong magulang. O, kaya sumali ka sa mga kompetisyon na iyong makakaya na may nakalaang gantimpalang cash dito.


3. Gumawa ng mga gawain na simpleng magagawa ng isang bata na puwedeng may gantimpalang pera na nakalaan. Maaaring sarili mo nang magulang ang magbigay sa iyo ng pera depende kung gaano ka kagaling o kahusay na matapos ang naturang trabaho.


4. Magsimula ka na ring magboluntaryo na mag-alaga ng iyong mga pamangkin o sanggol pang pinsan para mabantayan ang mga ito kung sakaling aalis sila. Sabihin na rin ang mga taong iyong pinagkakatiwalaan na maari kang maging babysitter. Magtinda ng sa malamig sa kanto.


5. Sumulat ng nobela o lumahok sa mga drawing contest at i-publish ito lalo na iyong mga may tampok na premyo.


6. Lumahok sa iba pang contest na ayon sa iyong talento.


7. Magtinda ka ng diyaryo, SIM o basahan sa kanto, pero dahil bawal lumabas ang mga bata ay puwede ka mag-online selling.


8. Kung magaling kang artist, at dahil bawal pa ring tumambay sa mall para mag-drawing nang may bayad ay puwede mong idisplay sa social media at doon mo ipakita sa video ang husay mo sa pagguhit. Diyan ka kikita.


9. Mag-car wash ka o kaya ay magbantay ng mga sasakyan.


10. Magsimula kang magturo sa iba pang bata kahit na P100 isang oras ang bayad.


11. Kung alam mo kung paano tumugtog ng mga musical instrument gaya ng gitara, drums o piano, magpaskel ka sa labas ng bahay ninyo at magturo ka sa ibang bata ng halagang P1,000 a week.


12. Magboluntaryo sa kapitbahay na mag-alaga ka ng kanilang aso o magpapaligo kapalit ng cash.


13. Tandaan, ang pera ay hindi isang bagay. Maging tapat sa iyong pamilya at kaibigan at iyan ay napakahalaga kaysa sa pera.


14. Maging maingat sa anumang alok na malaking pera, lalo na kung sa tingin mo hindi ka ligtas at mapapahamak ka. Hingin mo ang payo ng iyong mga magulang kung alanganin ka sa isang trabaho.


15. Isipin mo munang mabuti kung may nais kang bilhin. Mag-isip ka muna ng mga gaya ng kailangan ko na ang bagay na ito? Gusto ko ba talaga ito? Makakatulong ba ito sa amin? May mas mainam pa bang bagay na mabibili ako? Upang makaipon ka, malamang may iba ka pang napakahalagang mabibili.


16. Kapag kumikita ka na, iwasan ang mga bisyo na gaya ng paninigarilyo, pag-inom ng alak at pagsusugal na makakasira lang ng iyong kinikitang pera.

TEKNIK PARA MAGING ORGANIZE SA GAMIT ANG BATA. Habang bata pa matuto nang maging organize.

  1. ANG CLOSET. Kung mayroon kang closet o iba pang mga clothes cabinet, ayusin mo palagi ang iyong mga damit. Kung ano ang hindi na ginagamit ay ihiwalay at itabi na ito. Kung ano lang ang madalas na gamitin ay iyon lang ang ilagay sa damitan. Dapat may shelves ka rin at salamin sa loob ng closet, may shoe rack. Ang shoe rack ay dapat lagi ring nakaayos at malinis. Ilagay din sa maayos na lugar ang underwear, pajamas at leggings, etc. I-hang ang bestida at jacket. Habang ang mga shirt at shorts ay nakatupi lang sa shelves. Magkaroon din ng space. Ayusin ang para sa balat ng sapatos, heels, flats at tsinelas. Ayusin nang magkakapareho at linisin muna bago ito ilagay sa shelves.

  2. ANG MGA DAMIT. Ano ang dapat na nasa closet? Iyong mga dapat i-hang ay ang malalaki at hindi dapat malukot. Iyong may mamahalin din na klase ang siya mong i-hang para hindi mawala sa ayos.

  3. MGA SAPATOS. Ayusin din ito ayon sa teternuhang mga damit. Dapat ang isang teener ay may gladiator sandals, heels, tennis shoes at flats para may aangkupan siyang damit sa anumang okasyon.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page