top of page
Search
  • BULGAR

Pantay-pantay na ayuda sa mga nawalan ng kayod

@Editorial | January 18, 2022



Sa nagpapatuloy na pandemya dulot ng COVID-19, habang may mga unti-unting bumabangon, meron ding tuluyan nang nawalan ng kabuhayan.


Kasunod ng pagsasara ng mga negosyo, may mga empleyado na naman ang nawalan ng trabaho.


Kaugnay nito, nakahanda naman ang gobyerno.


Ayon sa Department of Labor and Employment (DOLE), aabot sa 200,000 manggagawa sa pormal na sektor ang mabibiyayaan sa ilalabas na P1 bilyong halaga ng ayuda ngayong katapusan ng Enero.


Tatanggap ng tig-P5,000 ang bawat manggagawa na naapektuhan ng ekstensiyon ng Alert Level 3.


Tinatapos na umano ang panuntunan sa pamamahagi ng COVID-19 Adjustment Measures Program (CAMP).


Karamihan umano sa mga naapektuhan at makatatanggap ng ikatlong tranche ng ayuda ay ang mga nagtatrabaho sa sektor ng turismo, entertainment at pagkain.


Sa monitoring ng DOLE mula Enero 1-6, nasa 3, 284 manggagawa sa 267 establisimyento ang nawalan ng trabaho dahil sa permanenteng pagsasara.


May 5,762 naman ang binabaan ng suweldo dahil sa pagpapatupad ng ‘flexible working hours’.


Karamihan sa kanila ay sa National Capital Region habang ang iba ay sa Region III at IV-A.


Ang mga aplikasyon para sa cash assistance ay maaaring gawin sa pamamagitan ng online ng apektadong kumpanya o indibidwal na manggagawa.


Ang pakiusap naman ng iba pang manggagawa, sana raw ay mabigyan ang lahat ng apektado.


May mga ulat na hindi umano nakakatanggap ng ayuda, bagay na sana'y mabigyang-pansin ng kinauukulan.



0 comments

Recent Posts

See All

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page