top of page

Pangit na gusali, babala ng paghihiwalay

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Oct 9, 2023
  • 1 min read

ni Estrellia de Luna @Panaginip gabay ng buhay | October 09, 2023


Analisahin natin ang panaginip na ipinadala ni Dante ng Masbate.


Dear Maestra,


Limang beses na akong sumasangguni sa inyo tungkol sa aking mga panaginip, at lahat ng sinasabi n’yo ay tama.


Madalas kong mapanaginipan ngayon ang iba’t ibang uri ng gusali. Ano ang kahulugan nito?


Naghihintay,

Dante


Sa iyo, Dante,


Nakakataba ng puso, at nakakatuwang isipin na isa ka pala sa madalas na sumangguni sa akin.


Ang ibig sabihin ng panaginip mo tungkol sa gusali ay depende sa iyong panaginip. Kung bagong gusali ang napanaginipan mo, ito ay senyales na aalis ka na sa dati mong lugar.


Kung pangit ang gusali, luma, malapit ng masira at halos babagsak na, ito ay babala ng paghihiwalay. May posibilidad na maghiwalay kayo ng mahal mo sa buhay. Maaari kayong mag-away at mauwi ito sa hiwalayan.


Kung gusali naman ito ng pabrika, ito ay nagpapahiwatig na magbubukas ka ng sarili mong negosyo. Magiging abala ka sa pakikipagtransaksyon.


Samantala, kung mga bagong gusali na ginagawa naman ang napanaginipan mo, ito ay sign ng kasaganaan at kaligayahan sa personal mong buhay. Magiging masaya kayo ng pamilya mo at sasagana rin ang inyong kabuhayan.


Matapat na sumasaiyo,

Maestra Estrellia de Luna



Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page