top of page
TEKA NGA - GARY V., 62 NA, WALA PA RING BALAK MAG-RETIRE_IG _garyvalenciano.jpeg

Panghabambuhay na relasyon, bihira sa mag-asawang may strong number

BULGAR
Sep 7, 2021
2 min read

ni Maestro Honorio Ong - @Kapalaran ayon sa Numero| September 07, 2021



Dear Maestro,


Ako ay Taong Otso (8) na nakapangasawa ng isa ring strong number na Taong Nueve (9). Ayon sa mga artikulo na nababasa ko sa inyo, ang sabi niyo ay parehong strong ang mga numerong 8 at 9, tama ba ako? Kung pareho kaming may strong personality, ano ang mangyayari sa relasyon namin at may pag-asa ba kaming yumaman balang-araw? December 17, 1990 ang birthday ko habang ang misis ko naman ay April 9, 1993.


Umaasa,

Paulo ng Bagong Flores, Lupao, Nueva Ecija


Dear Paulo,


Kung Western Astrology ang pag-uusapan, sadyang compatible ang zodiac sign mong Sagittarius sa zodiac sign na Aries ng iyong misis. Ito ay dahil ang Sagittarius at Aries ay may iisang elementong tinataglay – ang elementong fire o apoy. Ibig sabihin, sa Astrology ay walang problema at talagang compatible kayo sa isa’t isa.


Samantala, sa Numerology naman, ang birth date mong 17 na may sumatotal na 8 (dahil ang 17 ay 1+7=8), tulad ng nasabi mo na ay strong number, habang ang birth date na 9 ni misis ay isa ring strong number, ibig sabihin, ang pagsasama ng dalawang strong number sa simula ng relasyon ay sadyang bibirahin at babayuhin ng mga problema at mga pagsubok, kaya ngayon pa lang ay dapat na kayong magpakatatag.


Subalit sa sandaling nalagpasan ninyo ang mga pagsubok na talaga namang darating sa inyong relasyon, gayundin ang pagbabanggaan ng inyong personalidad, dahil kapwa kayo nagtataglay ng strong number o malakas na personalidad, kung hindi kayo maghihiwalay, may malaking pagyaman na nakalaan sa inyo.


Karamihan kasi sa mga may strong number na nagkakatuluyan, habang binibira at binubogbog sila ng mga pagsubok at problema sa buhay, imbes na manatiling matatag ay nagkakahiwalay sila. Kaya kung tutuusing mabuti, bihirang-bihira ang dalawang strong number na tumagal ang relasyon o nananatiling tapat sa isa’t isa.


Pero tulad ng nasabi na, kapag nagpakatatag at nanatiling tapat sa isa’t isa o hindi naghiwalay, ang mag-asawang may strong number tulad ng 8 at 1, 8 at 9, 8 at 8, 1 at 9, 1 at 1 ay yumayaman, lalo na kung sila ay magkakaroon ng anak na ang birth date ay 7, 16, 25, 1, 10, 19, 28, 5, 14 at 23, kung saan inaasahan namang ang nasabing anak ang magpapayaman sa kanila.


Samantala, ayon sa Decadens ng Kapalaran, tulad ng naipaliwanag na, Paulo, kung hindi kayo maghihiwalay at mananatiling matatag ang inyong relasyon, tiyak ang magaganap sa takdang panahon. Sa taong 2031, sa edad mong 41 pataas at 38 naman si misis, unti-unti niyo nang mararamdaman ang pag-unlad ng kabuhayan hanggang sa tuloy-tuloy na kayong yumaman.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page