top of page
Search
  • BULGAR

Pangarap na pag-a-abroad, matutupad kahit 2 beses nang nabigo

ni Maestro Honorio Ong - @Kapalaran ayon sa Palad | May 10, 2022




KATANUNGAN

  1. Naisipan kong kumonsulta sa inyo dahil may aplikasyon ako ngayon sa abroad. Sa totoo lang, bago pa magka-pandemya ay nag-a-apply na ako at dalawang beses nang hindi natuloy ang pag-a-abroad ko.

  2. Pangarap ko kasi talagang mag-abroad upang makaipon at guminhawa naman ang buhay namin at isa pa, nangungupahan lang kami kaya gusto ko ring makabili ng lupa at bahay.

  3. Kaya gusto ko ring malaman kung sa ikatlong pagtatangkang ito, makakapag-abroad na ba ako at kung natuloy ako, magiging maalwan at maginhawa ba ang magiging buhay ko ru’n?

KASAGUTAN

  1. Kapansin-pansin ang may krokes na Travel Line (Drawing A. at B. t-t arrow a.), ngunit ito ay gumanda at naayos din nang sumikad pahaba (arrowe b.) sa kaliwa at kanan mong palad.

  2. Ibig sabihin, matapos kang magkaroon ng mga problema sa una at ikalawang pag-a-abroad (arrow a.), malaki ang tsansa na sa ikatlong pagtatangka, ang pag-a-apply sa abroad ay magiging maayos at malinaw na.

  3. Ang pag-aanalisang positibong karanasan ang magaganap sa kalagitnaang bahagi ng iyong buhay ay madali namang kinumpirma ng lagda mong matapos mababoy at maburara sa umpisa hanggang gitnang bahagi ay madali namang naayos at gumanda nang gumanda.

  4. Ibig sabihin, sa kasalukuyan mong edad na 32, walang duda, may postibo at magagandang karanasan nang magaganap sa iyong buhay. Ang karanasang ito ay tuloy-tuloy na sa pagsikat, suwerte at pag-unlad, at ang mga ito ay posibleng maganap sa binabalak mong pangingibang-bansa.

MGA DAPAT GAWIN


  1. Criselda, tama ang ginagawa mong pag-a-apply ngayon sa abroad, gayundin ang ginagawa mong pagpupumilit at patuloy na pagtatangka sa kabila ng dalawang beses na kabiguang iyong napala nang una kang sumubok na mangibang-bansa.

  2. Dahil tulad ng nasabi na, ayon sa iyong mga datos, tiyak na ang magaganap — ituloy mo lang ang pag-a-apply sa abroad dahil sa taon ding ito ng 2022, sa buwan ng Agosto o Setyembre at sa edad mong 32 pataas, may mabunga at mabiyayang pangingibang-bansang itatala sa iyong karanasan.

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page