Pandemic sensation Karateka Delos Santos, naka-4 gold na
- BULGAR

- Aug 13, 2020
- 2 min read
ni Gerard Arce - @Sports | August 13, 2020

Gumamit ng ibang pamamaraan si virtual-online Karateka sensation James De Los Santos upang tuluyang gapiin ang mahigpit na karibal na si Eduardo Garcia ng Clube Karate De Olhao’ ng Portugal sa gabuhok na puntos para sa top spot ng Sportsdata E-Tournament: Athletes E-tournament Cash Award Series 1 ranked event championship, Martes ng gabi.
Naibigay sa 30-anyos na dating national team member ang 25 puntos kontra sa 24.9 ni World number 1 Garcia upang makuha nito ang unang panalo sa tatlong paghaharap sa final round. Ito ang ika-apat na gintong medalya ni De Los Santos sa online-virtual kata tournaments kung saan nakuha nito ang mga ginto sa Korokotta Cup 2020, Palestine International Karate Cup noong Hunyo at Balkan Open E-tournament-Kata/Kumite Ranked nitong Hulyo.
Kinailangang ibahin ng 2017 Southeast Asian Games Individual kata event bronze medalist ang kanyang technique upang mapahanga ang mga hurado sa paggamit nito ng ‘Unsu Kata’ o “Cloud Hands” na siyang kilalang ‘most advanced Kata na matatagpuan sa Shotokan, Shito-Ryu na itinuturo sa mga karateka na may 3rd-4th dan black belt. Meron itong mahihirap na hand techniques na mayroong 360-degrees na spinning double-kick at may double leg take down. Gamit naman ni Garcia ang Chatanyara Kushanku kata style na nagmula rin sa Shito-Ryu style ng Shotokan style na Karate.
“This victory means a lot. I was unlucky the first two times, but I guess third time’s the charm. I used a different kata this time, which was Unsu, and I finally got him through a close fight,” pahayag ni De Los Santos sa panayam ng Bulgar Sports sa online interview.
Bago ang championship round, ginamit muna ng International Shotokan Karate Federation representative ang Gankaku-style laban kina Alfredo Bustamante ng Miyagiken International Karate Academy ng Estados Unidos, 24-24.8 sa first round at Angel Sanchez ng Dojo Kyoto ng Bolivia, 24.5-24.6 sa semifinal match up.
“I don’t expect anything when I perform except to just really do my best. I am sure that he’s also training hard like I am. I always perform in every match like it’s a final,” eksplika nito sa nakuhang panalo.
Ito ang ikalawang sunod na gold medal ng dating 6th-time Philippine National Games champion matapos magwagi ng ginto sa Balkan Open, habang nakuha naman ang ikalawang puwesto sa World ranking na may solidong 3270.00 puntos sa likuran ni Garcia ng Portugal na may 5995.00, habang nasa ikatlong posisyon si Leonardo Birra ng Italy na may 2735.00 puntos.
“Being at no. 2 isn’t enough for me. I will still continue to train and compete to land at the no. 1 spot. It won’t be easy since I’m behind by 2000+ points, but the challenge is what makes it exciting to look forward to,” pursigidong paglalahad ng biennial meet men’s individual kata event bronze medalist.
Hindi nakalahok sa 2019 SEA Games sa bansa si De Los Santos matapos matanggal sa pambansang koponan ng Karate Pilipinas Sports Federation Inc. dahil sa hindi umano ito kwalipikado matapos hindi makapasa sa standards ng national team at foreign coaches, at iba pang mga kadahilanan.
Dahil sa nagaganap na pananalasa ng coronavirus disease (COVID-19) pandemic sa buong mundo, kinokonsidera umano nito na magiging mas mapanghamon ang online events kumpara sa regular na kompetisyon dahil mas matututukan umano ng mga hurado ang ginagawang performance ng bawat kalahok.





Comments