PANCHO, BINATI SI MAX NU'NG MOTHER'S DAY
- Lucille Galon
- May 14, 2024
- 1 min read
Updated: May 15, 2024
ni Lucille Galon - Trainee @Entertainment | May 14, 2024

BINATI ni Pancho Magno sa pamamagitan ng isang Instagram Story ang kanyang nakahiwalay na asawa at kapwa Kapuso star na si Max Collins nu'ng Mother's Day last May 12.
“Happy Mother's day! @maxcollinsofficial,” sey ni Pancho.
Makikita sa larawan na masaya si Max at ang anak nito na si Skye Anakin. Ipinost naman ni Max ang photo nila ng kanyang anak, kasama ang mensahe niya sa mga kapwa niya ina.
“Happy Mother's Day to all the strong women out there!” ani Max.

Matatandaang sa isang episode ng Fast Talk with Boy Abunda last May 2023 ay kinumpirma ni Max na hiwalay na sila ni Pancho bilang mag-asawa at ibinahagi niya na maayos ang kanilang "co-parenting."
May pag-asa pa kayang magkabalikan ang mag-asawa ngayong binati ni Pancho si Max? Abangan na lang natin kung babatiin din ni Max Collins si Pancho Magno sa Father's Day.
Comentários