top of page
BULGARY - SEN. ROBIN, MAY P150 M AMBAG SA PHIL. FILM HERITAGE, BUILDING ‘DI PA RIN NATAPOS

Panawagan kay P-Du30, panukalang 2021 budget, busisiing maigi kontra korupsiyon at pamumulitika

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Dec 23, 2020
  • 1 min read

@Editorial | December 23, 2020



Ngayong Disyembre 28, 2020 inaasahang lalagdaan na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang 2021 national budget.


Ang panukalang pondo ay aabot sa P4.506 trilyon, na patuloy umanong binubusisi kung mayroong line item na maaaring i-veto o ibasura ng Pangulo.


Kabilang sa nakapaloob sa budget ang pagresponde ng pamahalaan sa COVID-19 pandemic —pambili ng bakuna, pagsasaayos ng healthcare system, public at digital infrastructure at iba pa.


Bagama’t, nitong mga nakaraan ay sunud-sunod naman ang pagbubulgar kaugnay ng umano’y milyun-milyong pisong isiningit ng mga kongresista sa 2021 budget, mala-pork barrel ang istayl.


At kung mayroong isiningit, meron din umanong inalisan ng budget nang labag sa batas.


Matatandaang, umalma ang Public Attorneys’ Office (PAO) sa naging hakbang ng ilang senador na nagtanggal sa pondo ng forensic office para sa General Appropriations Act ng susunod na taon. Iginigiit ng pamunuan ng PAO na ilegal ang ginawa ng mga mambabatas at umaasang mababasura ito ng Pangulo.


Napakahalaga ng 2021 national budget dahil dito nakasalalay ang katuparan ng mga programa at proyekto para makabangon ang bansa mula sa kalamidad at pandemya.


Kaya ang panawagan sa ating Pangulo, nawa’y mabusisi talaga ang nilalaman ng panukalang budget para sa 2021. Wala sanang makalusot na mapupunta lang sa korupsiyon at pamumulitika.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page