top of page

Pananagutan ng hotel sa nanakawan na guest

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • May 29, 2024
  • 3 min read

ni Atty. Persida Rueda-Acosta @Magtanong Kay Attorney | May 29, 2024



Magtanong kay Attorney ni Atty. Persida Acosta


Dear Chief Acosta,


Nanuluyan ako sa isang hotel nang ako ay dumalo sa isang conference. Sa ikatlong gabi ko sa hotel, may biglang pumasok sa kuwarto ko, tinutukan ako ng ice pick at kinuha ang aking mga alahas at wallet, bago dali-daling umalis. Kaagad ko itong idinulog sa pamunuan ng hotel at napag-alaman ko na pinayagan nilang paakyatin sa aking kuwarto ang nasabing tao, sapagkat ito diumano ay nagpakilala na kapatid ko. Sinabi niyang siya ang kasama ko sa kuwarto at naiwan lamang niya ang kanyang keycard sa akin nang siya ay lumabas. Ako lamang ang rehistradong guest sa kuwartong kinuha ko, at hindi humingi ng pahintulot sa akin ang tauhan sa front desk, kahit na may telepono ako sa kuwarto. Kaagad na lamang niyang pinaniwalaan ang pahayag ng taong iyon kaya binigyan niya ito ng keycard. Gusto kong malaman kung maaari ko bang panagutin ang hotel sa nasabing pangyayari? -- Loren



Dear Loren,


Ang danyos na tinamo ng isang partido mula sa isang kaganapan ay maaaring makuha mula sa partido na nagdulot nito. Ang pagtukoy sa nasabing pananagutan ay mahalaga upang masiguro na ang partido na naging dahilan ng abala, ito man ay kanyang sinadya o dahil sa kanyang kapabayaan, ay mapanagot sa ilalim ng batas. 


Sa kadahilanang ang iyong inilalapit ay may kinalaman sa isang pangyayaring naganap habang ikaw ay nanunuluyan sa isang hotel, ang batas na sasaklaw patungkol sa iyong katanungan ay ang Republic Act (R.A.) No. 386 o mas kilala bilang “New Civil Code of the Philippines”.  Nakasaad sa Articles 2000, 2001 at 2002 na:


Article 2000. The responsibility referred to in the two preceding articles shall include the loss of, or injury to the personal property of the guests caused by the servants or employees of the keepers of hotels or inns as well as strangers; but not that which may proceed from any force majeure. The fact that travellers are constrained to rely on the vigilance of the keeper of the hotels or inns shall be considered in determining the degree of care required of him.


Article 2001. The act of a thief or robber, who has entered the hotel is not deemed force majeure, unless it is done with the use of arms or through an irresistible force. (n)


Article 2002. The hotel-keeper is not liable for compensation if the loss is due to the acts of the guest, his family, servants or visitors, or if the loss arises from the character of the things brought into the hotel.”


Kaugnay nito, inilahad ng Korte Suprema sa kaso ng Makati Shangri-la Hotel and Resort, Inc. vs. Ellen Johanne Harper, et al. (G.R. No. 1899985, 29 August 2012, sa panulat ng Kagalang-galang na noon ay Kasamang Mahistrado Lucas P. Bersamin) na:


The hotel business is imbued with public interest. Catering to the public, hotelkeepers are bound to provide not only lodging for their guests but also security to the persons and belongings of their guests. The twin duty constitutes the essence of the business. Applying by analogy Article 2000, Article 2001 and Article 2002 of the Civil Code (all of which concerned the hotelkeepers degree of care and responsibility as to the personal effects of their guests), we hold that there is much greater reason to apply the same if not greater degree of care and responsibility when the lives and personal safety of their guests are involved. Otherwise, the hotelkeepers would simply stand idly by as strangers have unrestricted access to all the hotel rooms on the pretense of being visitors of the guests, without being held liable should anything untoward befall the unwary guests. That would be absurd, something that no good law would ever envision.” 


Alinsunod sa mga nabanggit na probisyon ng batas at desisyon ng Korte Suprema, ang hotel na iyong tinuluyan ay maaaring mapanagot kung mapatutunayan na sila ay naging pabaya sa kanilang tungkulin na pangalagaan ang iyong seguridad, na kalaunan ay nagdulot ng danyos sa iyo. Sa puntong ito, ang hindi awtorisadong pagpapapasok ng bisita sa iyong kuwarto ay maituturing na kapabayaan sa pagtupad ng tungkulin ng mga nangangasiwa ng hotel. Dahil dito, marapat na ikaw ay magsampa ng karampatang kaso sa korte upang masiyasat ang buong pangyayari, at matukoy ang pananagutan ng hotel at ng pamunuan nito sa nangyaring pananakot sa iyo at pagnakaw ng iyong mga gamit.  


Sana ay nabigyan namin ng linaw ang iyong katanungan. Ang payong aming ibinigay ay base lamang sa mga impormasyon na iyong inilahad at maaaring magbago kung mababawasan o madaragdagan ang mga detalye ng iyong salaysay.


Maraming salamat sa iyong patuloy na pagtitiwala.


留言


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page