top of page
Search
  • BULGAR

Panaginip ng huni ng kuwago, pahiwatig ng kahirapan

ni Estrellia de Luna - @Panaginip gabay ng buhay | July 31, 2022



Analisahin natin ang panaginip na ipinadala ni Ronald ng Baguio.


Dear Maestra,


Gusto kong malaman ang kahulugan ng panaginip ko na naisipan kong bumaba ng bahay kahit gabi na. Naglakad-lakad ako sa paligid ng bakuran namin, tapos may natanaw akong kuwago sa malaking puno na malapit sa bintana at humuhuni ito.


Dinig na dinig ko ang huni niya, tapos natakot ako, kaya umakyat ako agad sa bahay.


Ano ang kahulugan ng panaginip ko?

Naghihintay,

Ronald


Sa iyo, Ronald,


Ang ibig sabihin ng panaginip mo na naisipan mong bumaba ng bahay kahit gabi na at naglakad-lakad sa paligid ng bakuran ay hindi agad matutuloy ang binabalak mong proyekto.


Gayunman, ang kuwago na nakita mo sa malaking puno na malapit sa bintana n’yo ay nagpapahiwatig ng pagkabigo sa kasalukuyan mong gawain sa buhay.


Samantala, ang sabi mo ay narinig mo ang huni ng kuwago, natakot ka kaya umakyat ka ulit sa bahay n’yo, ito ay nangangahulugan ng kahirapan o pagdarahop sa buhay. Hindi ka pa makakaranas ng kaunlaran sa buhay. Gayundin, kailangan mo pang magtiyaga, magtrabaho nang husto, maging masipag at todo-kayod upang yumaman.



Matapat na sumasaiyo,

Maestra Estrellia de Luna


0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page