top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

Panaginip na may babala ng pagkalugi sa negosyo

Writer: BULGAR
BULGAR
Jan 31, 2022
1 min read

ni Estrellia de Luna - @Panaginip gabay ng buhay | January 31, 2022



Analisahin natin ang panaginip na ipinadala ni Thelma ng Camarines Sur.


Dear Maestra,


Isa ako sa mga tagasubaybay ng iyong kolum dahil nasisiyahan akong basahin ang kahulugan ng mga panaginip na pinapaanalisa sa inyo ng mga mambabasa. Nais ko ring magpaanalisa sa inyo ng panaginip ko.


Napanaginipan ko na nakatayo ako sa harap ng salamin at tinitingnan kung bagay sa akin ang binili kong bagong damit. Maya-maya, tumingin ako sa wall clock para tingnan ang oras.


‘Yun lang ang natandaan ko, ano ang ipinahihiwatig ng panaginip ko?


Naghihintay,

Thelma


Sa iyo, Thelma,


Ang ibig sabihin ng nakatayo ka sa harap ng salamin ay pagkalugi sa negosyo, maliban na lang kung magagawan mo agad ng paraan ang nakaambang problema hinggil sa iyong negosyo.


Gayunman, ang bagong damit ay nagpapahiwatig ng kahirapan o pagdarahop sa buhay. May babala na daranas ka ng kahirapan sa iyong pamumuhay.


Samantala, ang sabi mo ay tiningnan mo ang wall clock para malaman ang oras, ito ay nangangahulugan na masyado mong pinagtutuunan ng pansin ang maliliit na detalye na hindi naman masyadong mahalaga. Dahil dito, malalagpasan mo ang mga magagandang oportunidad na sana ay napasaiyo agad.



Matapat na sumasaiyo,

Maestra Estrellia de Luna


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page