top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

Pamilya ng 14 nawalang Pinoy sakay ng FV Liberty 5, tatanggap ng tig-P1M — PCG

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Aug 20, 2020
  • 1 min read

ni Lolet Abania | August 20, 2020




Inanunsiyo ni Philippine Coast Guard (PCG) Commandant Admiral George Ursabia Jr. na makatatanggap ang pamilya ng 14 na Pinoy na sakay ng barkong FV Liberty 5 na nawala, matapos ang nangyaring banggaan noong June sa karagatan ng Mamburao, Occidental Mindoro, ng compensation mula sa Hong Kong cargo vessel na MV Vienna Wood.


Ayon kay Ursabia, nagkaroon na ng settlement agreement sa pagitan ng Hong Kong MV Vienna Wood at FV Liberty 5.


“Kahapon nandito ang may-ari ng FV Liberty 5 para ibalita sa amin na nagkasundo na sila ng may-ari ng MV Vienna Wood na magkaroon na sila ng settlement for damages incurred,” sabi ng PCG chief.


Gayundin, sabi ni Ursabia sa August 24 isasagawa ang formal settlement sa mga pamilya at kumpanya ng dalawang vessels kung saan nag-iwan ng matinding pinsala ang insidente sa karagatan ng Mamburao, Occidental Mindoro.


“We will be the one hosting the settlement of the two parties,” sabi ni Ursabia.


Ayon pa sa PCG chief, makatatanggap ang mga pamilya ng 12 nawalang Pinoy na mangingisda at dalawang pasahero ng FV Liberty 5 ng compensations ng halagang P1 million bawat isa mula sa MV Vienna Wood.


“That’s highly acceptable naman raw,” sabi ni Ursabia.


Makatatanggap din ang Irma Fishing and Trading Corporation, ang may-ari ng FV Liberty 5, ng P40 million halagang napagkasunduan, mula sa MV Vienna Wood para sa nasirang fishing vessel nito, sabi ni Ursabia.


Samantala, mayroong criminal complaints na isinampa laban sa shipping company, master, at mga opisyales ng naturang foreign vessel. Nag-isyu rin ng departure order laban sa crew upang masigurong ang MV Vienna Wood's bulk carrier ay manatiling nasa kustodiya ng Pilipinas.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page