top of page
TEKA NGA - MARIEL, KUMALAT NA TATAKBONG SENADOR, NILAIT NG NETIZENS_IG _marieltpadilla.jpe

Palpak na telcos sa gitna ng bagyo, dapat nang ‘putulin’!

Writer: BULGAR
BULGAR
Nov 2, 2020
1 min read

@Editorial | November 02, 2020



Kasabay ng halos magkakasunod na bagyo, pinatitiyak ng National Telecommunications Commission (NTC) sa mga telecommunications company na tuluy-tuloy at maayos ang serbisyong maibibigay nila sa mga subscribers.


Nakasaad sa memorandum order ang paalala sa mga telcos na tiyaking may sapat silang tauhan o technical at support personnel maging standby generators na may extra fuel, tools at spare equipment sa mga lugar kung saan inaasahang tatama ang bagyo.


Pinagre-report din sa NTC ang mga kumpanya hinggil sa status ng kanilang network at facility.


Sa mga panahon na tulad nito ay napakahalaga ng komunikasyon. Hindi lang ito basta personal na pangangailan kundi ito rin ang magsisilbing pangsaklolo lalo na sa mga kababayan natin mas apektado ng bagyo at iba pang kalamidad.


Sana naman ay nakagawa na ng paraan ang mga telcos para makatugon lalo na sa mga ganitong pagkakataon. Hindi ‘yung lagi na lang silang inuulan ng reklamo pero, parang wala namang pagbabago at kung ‘di talaga kaya, ‘putulin’ na lang.


Ang pagbibigay ng mga pangunahing serbisyo sa taumbayan ay maituturing na paglilingkod-bayan at ito sana ang iniisip ng mga negosyante.


Samantala, sa atin namang nasa gitna ng kalamidad, lagging mag-ingat at maging alerto.


Tigilan muna ang mga bagay na walang maitutulong sa ating kaligtasan. Gamitin natin ang mga gadgets sa mas makabuluhang bagay, awat muna sa mga pang-ubos lang ng battery at baka kung kailan kailanganin saka naman lowbatt at wala nang pakinabang.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page