top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

Paliwanag kaya mapili sa lalaki ang taong nueve

BULGAR
Sep 29, 2022
3 min read

ni Maestro Honorio Ong - @Kapalaran ayon sa Numero| September 29, 2022

Dear Maestro,


Gusto kong malaman ang aking masuwerteng kulay, petsa, taon at kung kailan ako magkaka-boyfriend. Sa edad ko kasing 23, nakakahiyang sabihin na hindi pa ako nagkaka-boyfriend kahit kailan, gayung may hitsura naman ako at may mga boyfriend na ang mga kaibigan at pinsan ko. November 27, 1998 ang birthday ko.


Umaasa,

Lailannie ng San Pedro, Lupao, Nueva Ecija


Dear Lailannie,


Ayon sa zodiac sign mong Sagittarius at birth date na 27 o 9 (ang 27 ay 2+7=9), mapalad ka sa kulay na pula, pink, violet, lilac at iba pang kulay na hinango sa pula. Palagi kang magsuot ng nasabing mga kulay tuwing sasapit ang mga petsang 3, 12, 21, 30, 9, 18, 27, 6, 5 at 24, higit lalo kung ang nasabing kulay ay natapat sa mga araw ng Martes, Huwebes at Biyernes.


Bukod sa pula, mapalad ka rin sa berde, ito ay ayon naman sa destiny number mong 2. Naging 2 ang destiny number mo, dahil ang November 27, 1998 ay kinokompyut nang ganito: 11+27+1998=2036/ 20+36=56/ 5+6=11/ 1+1=2.


Isuot mo ang berde tuwing sasapit ang mga petsang 7, 16, 25, 2, 11, 20, 29, 1, 10, 19, 28, 4, 13, 22 at 31, higit lalo kung ang nasabing mga petsa ay natapat sa mga araw ng Linggo at Lunes.


Kusa namang iigting ang iyong mabuting kapalaran mula sa ika-20 ng Marso hanggang ika-21 ng Abril, mula sa ika-20 ng Hulyo hanggang ika-21 ng Agosto at mula sa ika-20 ng Nobyembre hanggang ika-21 ng Disyembre.


Hinggil naman sa tanong kung bakit sa edad mong 23 ay hindi ka pa nagkaka-boyfriend, gayung may hitsura ka naman, ang sagot ay medyo mapili ka kasi sa lalaki. Kumbaga, ang hinahanap mo ay ‘yung dadaig o mas magaling sa iyo. Subalit kabaligtaran ang kadalasang nangyayari, kung saan mas magaling ka kaysa sa mga nanliligaw sa iyo. Ito ang dahilan kaya unconsciously ay wala kang magustuhan sa kanila.


Kaya kung ikaw ay pangkaraniwang empleyado, maaaring ang magiging boyfriend mo ay ang iyong supervisor. Kung ikaw naman ay guro, maaaring ang maging boyfriend mo ay kapwa mo guro, pero may mas mataas sa iyong posisyon o suweldo o kaya ay isa sa anak ng may-ari ng eskuwelahan na iyong pinagtatrabahuhan.


Ganu’n kasi ang pangkaraniwang kasaysayan ng mga taong may zodiac sign na Sagittarius, na may birth date pang 9, 18 at 27— sa panahong gusto na nilang magkaroon ng karelasyon, naghahanap sila ng lalaki o babae na mas mataas ang status sa kanila. Kaya minsan, natatagalan silang magkaroon ng karelasyon at makapag-asawa.

Hindi kasi matanggap ng ego o pride nila na ang magiging asawa o karelasyon nila ay laos, walang kuwenta o under pa nila. Kaya ang kadalasang nagiging boyfriend o girlfriend at napapangasawa ng mga Sagittarius, kung hindi nila ka-level sa pinansiyal na aspeto o propesyon, tulad ng nasabi na, kailangang mas mayaman sa kanila o mas mataas ang ranggo sa kanila sa isang kumpanya o sa opisina.


Samantala, ayon sa iyong Love Calendar, sa taong 2023 hanggang 2024, magkaka-boyfriend ka na. Kapag ang naging boyfriend mo ay mas mataas sa iyo ang estado sa lipunan na inyong ginagalawan, tiyak ang magaganap dahil siya na ang mapapangasawa mo.


Ngunit kung hindi, kung mas mababa sa iyo ang estado ng magiging boyfriend mo, maghihiwalay din kayo at kapag nagka-boyfriend ka ulit, hahanap ka ng mas magaling sa iyo at sa bandang huli, ang naturang lalaki na higit sa iyo ang katayuang panlipunan, propesyon at pampinansyal ang iyong mapapangasawa at habambuhay mong makakasama sa pagbuo ng maunlad at maligayang pamilya.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page