top of page

Palit sa Agham at BIR Roads.. Senator Miriam P. Defensor-Santiago Avenue, lusot na

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Aug 15, 2023
  • 1 min read

ni Mylene Alfonso @News | August 15, 2023



ree

Sa nagkakaisang boto ng mga senador na dumalo sa plenary hearing lumusot sa ikatlo at huling pagbasa ang House Bill No. 7413 o ang panukalang Senator Miriam P. Defensor Santiago Avenue kung saan kaakibat nito ang Senate Bill Nos. 1888, 2069, 2163 at 2183.


Ipapangalan sa dating Senadora ang Agham Road at BIR Road sa Quezon City.


Una na itong isinulong sa House of Representatives nina Isabela 1st District Rep. Tonypet Albano, Quezon City 1st District Rep. Arjo Atayde, Quezon City 4th District Rep. Marvin Rillo at Surigao del Sur 1st District Rep. Romeo Momo, Sr.


Dalawampu't dalawang senador ang bumoto pabor sa naturang panukala at walang kumontra at wala ring abstention.


Sa manipestasyon sinabi ni Senador Ramon 'Bong' Revilla na patunay ito ng pagkakaisa ng mga mambabatas sa paghanga kay Santiago.


“Malinaw na sumasalamin ito sa ating nagkakaisang pagtingala at paghanga hindi lamang sa mga nakamit kundi sa mga makabuluhang kontribusyon ni Sen. Miriam sa ngalan ng lipunan noong siya ay nabubuhay pa,” sabi ni Revilla.



Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page