top of page
Search
  • BULGAR

Palawan, matindi rin ang pagkakapinsala bunsod ng bagyong Odette

ni Jasmin Joy Evangelista | December 19, 2021



Hanggang ngayon ay hirap pa rin ang linya ng komunikasyon at bilang lamang ang mga nakakapagbato ng signal mula sa mga isla ng Palawan dahil sa pamiminsala ng bagyong Odette.


Ilang mga punong nabuwal ang bumagsak sa mga bahay at humambalang sa gitna ng kalsada. 


Ilang bahay rin ang nasira ang mga bubungan, mga bangkang lumubog, at iba pang ari-arian ang nawasak.


Hindi pa rin naibabalik ang linya ng kuryente at tubig sa Puerto Princesa. 


Sa ngayon ay patuloy pa rin ang ginagawang pag-iikot ng Puerto Princesa disaster risk reduction and management office at Palawan DRRMO sa mga lugar na lubhang tinamaan ng Odette para makapagbigay ng tulong at paunang ayuda.

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page