Palad ng single mom na maraming beses makapag-a-abroad at mapapangasawa ang Japanese friend
- BULGAR

- Dec 12, 2020
- 2 min read
ni Maestro Honorio Ong - @Kapalaran ayon sa Palad| December 12, 2020

KATANUNGAN
Ako ay dalagang ina at may anak akong 2-anyos na baby girl. Sa ngayon ay may naging kaibigan ako sa Japan at siya ang tumutulong sa akin mula nang magka-pandemya. Bukod sa pinansiyal na padala, tinutulungan niya rin akong mag-ayos ng mga papeles para makapunta ako ng Japan. May schedule na rin ako ng interview sa Japan Embassy, kaya lang, nagka-COVID-19 kaya hindi natuloy.
Sa pag-ibig naman, sa palagay n’yo, sa edad ko bang 32, makatatagpo pa ako ng panghabambuhay na makakasama o mapapangasawa kahit may anak ako sa pagkadalaga?
Kung makakatagpo pa ako, kailan darating ang lalaking ito at sino siya at saan ko makikilala?
KASAGUTAN
Siguradong makapag-a-abroad ka at hindi lang isang beses kundi maraming beses. Ito ang nais sabihin ng malawak at mahabang Travel Line (Drawing A. at B. t-t arrow a.) sa kaliwa at kanan mong palad. Tanda na sa susunod na taong 2021, sa sandaling natuloy ang interview mo sa Japan Embassy, kasunod agad nito ang mabunga at mabiyayang pangingibang-bansa sa tulong ng iyong kaibigan na Hapon. Kung siya ay isinilang sa petsang 14 o 23, walang pagsalang na compatible kayo at sa bandang huli, maaari ring ang Hapon na ito na tumutulong sa iyo, ang siya mo na ring mapapangasawa at makakasama sa pagbuo ng maligaya at panghabambuhay na pamilya.
Samantala, ang magulong Heart Line (Drawing A. at B. h-h arrow b.) sa simula hanggang gitnang bahagi ay nagsasabi na bagama’t magulong-magulo ang love life mo mula sa edad mong 25 hanggang 31, pagtuntong mo naman ng edad 32 pataas, tulad ng nasabi na, tila isang himala ang mangyayari dahil kasabay ng mga pagpapala ni Lord ang magaganap kung saan gaganda nang gaganda ang iyong love life.
At tulad ng nasabi na, sa 2021, pagtuntong mo ng edad 33, matatagpuan mo na rin sa wakas ang lalaking magpapaligaya sa iyo at makakasama mo sa pagbuo ng maligaya at panghabambuhay na pamilya, gayundin, malaki ang posibilidad na ang kaibigan mo na ngang Hapon ang nasabing lalaki.
DAPAT GAWIN
Habang, ayon sa iyong mga datos, Althea, sa papasok ng 2021, sa edad mong 33 pataas, may mabunga at mabiyayang pangingibang-bansang itatala sa iyong kapalaran. Maaaring sa panahon ding ito, tulad ng inaasahan, kahit sabihin pang ikaw ay single mom, makatatagpo ka na rin ng lalaking makakasama mo at magmamahal sa iyo habambuhay, na nagtataglay ng zodiac sign na Gemini, (Drawing A. at B. h-h arrow d. at 1-M arrow c.). Kaya kung Gemini ang zodiac sign ng kaibigan mong Hapon, walang duda na siya ang makakasama mo sa pagbuo ng maligaya at panghabambuhay na pamilya, na tiyak namang magaganap at mangyari sa pagtatrabaho at paninirahan mo sa Japan.




Comments