top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

Palad ng mister na ayaw masira ang pamilya pero nambabae

Writer: BULGAR
BULGAR
Mar 5, 2022
2 min read

ni Maestro Honorio Ong - @Kapalaran ayon sa Palad | March 5, 2022



KATANUNGAN

  1. May babae ako ngayon, pero hindi ito alam ng misis ko dahil wala siyang alam tungkol sa aking trabaho. Gayunman, napapansin kong nakakahalata na siya dahil sa kanyang mga pagtatanong.

  2. Mahal ko ang aking asawa at mga anak, kaya ayaw kong mawasak ang aking pamilya. At sa totoo lang, ang pambababae ko ay tulad ng tipikal na nangyayari sa kapwa natin lalaki na para lang sa kasiyahang pangkatawan, pero wala akong planong ibahay, ma-in love sa kanya at tuluyang iwanan ang aking pamilya.

  3. Gusto kong malaman na kung mapapanatili kong lihim sa aking misis ang relasyon namin ng isa sa mga kasamahan ko sa trabaho, hindi ba darating ang panahong mabibisto niya ako at pagsimulan ng malaking eskandalo at pagkawasak ng aming pamilya?

  4. Medyo mataray at talagang palaban ang misis ko, kaya kapag nabisto niya ang ginagawa ko, natatakot akong magkaroon ng malaking eskandalo at magulo pa ang tahimik na buhay namin. Nais kong malaman ang mga kasagutan mo upang matagal pa lang ay mapaghandaan ko na ang susunod na magaganap.

KASAGUTAN

  1. ‘Yan ang tinatawag na “fling na relasyon” kung saan malinaw na nakikita ang Guhit Pambababae o Guhit ng Panandaliang Pakikipagrelasyon lamang (Drawing A. at B. f-f arrow a.) sa kaliwa at kanan mong palad. Ibig sabihin, anuman ang mangyari, mabisto man ni misis o hindi ang ginagawa mong kalokohan, ang nasabing pambababae ay siguradong hindi magtatagal. At kung sa panahon ngayon, tunay ngang hindi ito makakaapekto sa inyong pamilya at sa relasyon n’yong mag-asawa.

  2. Pero hindi ‘yun ang delikado, sa halip, ang mas nakakatakot ay baka dumating ang sandali na mawili ka sa pambababae dahil hindi ito nabibisto ni misis, na siya namang ‘wag mong gagawin.

  3. Sapagkat kahit matino at maganda ang kaisa-isang Marriage Line (Drawing A. at B. 1-M arrow b.) sa kaliwa at kanan mong palad, hindi mo naman dapat panghawakan na habambuhay na magiging matatag ang inyong pamilya dahil dapat mo ring bigyang-atensiyon ang medyo nagulo o nabiyak na Heart Line (Drawing A. at B. h-h arrow c.) sa kaliwa at kanan mong palad. Ito ay malinaw na tanda na bagama’t makakalusot ang pambababae mo ngayon, kapag ito ay inulit-ulit mo pa, may posibilidad ding manganib ang relasyon n’yong mag-asawa hanggang sa tuluyang masira ang iyong pamilya.

DAPAT GAWIN

‘Ika nga, “One is enough, two is too much, and three is a poison that can kill a person.” Sa kaso mo, Edward, ang isang pambababae ay ayos na at puwede ring dumalawa, pero ang gawin mo ito nang paulit-ulit ay hindi na dapat mangyari upang hindi mapamahak ang iyong mga anak, ang relasyon n’yong mag-asawa at ang masaya n’yong pamilya.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page