Palad ng binatang sobrang torpe, ibang girl ang makakatuluyan
ni Maestro Honorio Ong - @Kapalaran ayon sa Palad | April 10, 2022

KATANUNGAN
May nililigawan ako, pero nahihiya ako sa kanya kaya hindi ko siya kayang kausapin nang personal. Pero okey naman kami kapag nagpapalitan ng text message dahil maganda naman ang response niya, pero ‘pag magkatawagan kami, wala naman akong masabi dahil nahihiya talaga ako. Ibig sabihin ba nito ay mahal ko siya at mahal din niya ako?
Siya na ba ang una kong magiging girlfriend kahit hindi talaga ako at ease kapag kaharap o kausap ko na siya? Siguro nga, Maestro, ganu’n talaga, kapag mahal na mahal mo ang isang babae, hiyang-hiya ka talaga sa kanya. Ano ba ang dapat kong gawin para mawala ang kaba at pagiging mahiyain ko kapag kaharap ko siya?
KASAGUTAN
Ang mga kinukuwento mo ay malinaw na indikasyong hindi mo magiging girlfriend ang nasabing babae dahil hindi kayo nakaka-establish ng “rapport”. Sa human relationship, lalo na kung bago pa lang magkakilala, sadyang napakahalaga ng rapport dahil kung wala nito, hindi magiging malinaw at maayos ang usapan. Sa pagliligawan at anumang relasyon, kailangan ding may rapport upang madaling ma-establish ang intimacy.
Ano ba ang ibig sabihin ng rapport? Ang sabi ng Dictionary of Psychology ni J.P. Chaplin, Ph.D., “Warm atmosphere between two individuals or a warm, close relationship between any two individuals in a psychological situation,” ibig sabihin, bago maganap ang makabuluhang kuwentuhan o usapan, kailangang warm at close agad ang dalawang nag-uusap. Sa ibang salita, kailangang magka-vibes o hindi na kayo nahihiya sa isa’t isa.
Kapag hindi na kayo nahihiya, natatakot, kinakabahan o nag-aalangan na baka may mali kang masabi sa iyong kausap at ganundin siya sa iyo, unti-unti nang nae-establish ang “rapport”. Ibig sabihin, casual conversation na ang namamagitan sa panahong naka-establish na kayo ng rapport. Subalit hangga’t walang rapport sa inyo ng crush o nililigawan mo, tulad ng naipaliwanag na, ikaw na ang mag-isip, paano kayo makapag-uusap nang maayos?
At isa lang ang solusyon para maka-establish ng rapport, palagi mo lang siyang kausapin. Sa ganu’ng paraan, kusang magaganap ang warm at close relationship sa pagitan n’yong dalawa.
Mababasted ka ng kasalukuyan mong nililigawan o habambuhay ka nang ganyan, hindi makapagsalita sa kanya nang personal dahil walang rapport, hanggang dumating ang sandali na magka-boyfriend na siya at hindi ikaw ‘yun. Ito ang nais sabihin ng maliit na bilog o island sa Heart Line (Darwing A. at B. h-h arrow a.) sa kaliwa at kanan mong palad. Tanda na hindi naman dahil sa iyong katorpehan, bagkus, ang totoong dahilan ay dahil hindi ka lang makapagsalita kapag personal mo nang kausap o kaharap ang iyong gustong babae, sa bandang huli, kahit may gusto rin siya sa iyo, dahil walang rapport ang inyong usapan o kuwentuhan, kapwa kayo manghihinawa sa isa’t isa, hanggang sa hindi na makabuo ng close intimacy. At kahit nag-uusap kayo, pakiramdam n’yo pa rin ay hindi kayo magkakilala.
DAPAT GAWIN
Habang, ayon sa iyong mga datos, Kasmire, maba-basted ka o hindi rin kayo magiging magkasintahan. Ngunit dahil unti-unti ka nang nagma-mature at nagkakaedad, kusa ka ring matututong makipag-usap sa mga babae. Sa taong 2024 at sa edad mong 25 pataas, isang babaeng isinilang sa zodiac sign na Taurus ang magkakagusto sa iyo at magiging first girlfriend mo kahit halos wala ka namang ginawa, kundi madalas ka lang nakipagkuwentuhan at nakipagbolahan ka sa kanya, tuloy-tuloy na lalago ang inyong relasyon hanggang sa tuluyan na kayong maging lehitimong magkasintahan at makakabuo ng masarap at panghabambuhay na pagmamahalan (1-M arrow b.).




Comments