Palad ng bebot na magiging matagumpay sa pag-a-abroad
ni Maestro Honorio Ong - @Kapalaran ayon sa Palad | June 26, 2022

KATANUNGAN
May aplikasyon ako sa abroad ngayon at hindi ko pa sigurado kung matutuloy ako bilang domestic helper sa Middle East at ito ang unang pag-a-apply ko.
Sa totoo lang, mahirap lamang kami at paulit-ulit na kamote, mais at saging ang kinakain namin sa probinsya, kaya napilitan akong mag-apply sa abroad. Alam kong mahirap ang pinasok kong ito, pero ito lang ang alam kong paraan upang makaahon kami sa kahirapan.
Naisipan kong sumangguni sa inyo para ipabasa ang aking mga palad at malaman kung matutuloy ba ako at kung sakaling matuloy, magiging maganda at maunlad ba ang karanasan ko sa ibang bansa?
KASAGUTAN
Kapansin-pansin at kitang-kita ang maaliwalas, walang bilog, walang guhit ng hadlang at hindi rin naman nagkalatid-latid ang malinaw na Travel Line (Drawing A. at B. t-t arrow a.) sa kaliwa at kanan mong palad.
Ito ay nagpapahiwatig na sumige ka lang at ipagpatuloy mo ang lakas-loob na pag-a-apply sa abroad, sapagkat sa takdang panahong inilaan ng kapalaran, positibo ang magaganap – isang mabunga at mabiyayang pangingibang-bansa ang iyong mararanasan.
Ang pag-aanalisang makakapag-abroad ka ay madali namang kinumpirma ng maaliwalas, bilugan at balanse mong mukha sa picture na in-attach mo sa iyong e-mail. Ibig sabihin, postibo ang iyong pananaw sa buhay, kaya nagre-reflect din sa iyong hitsura ang positibo at magandang kapalaran sa hinaharap.
Kinumpirma at sinang-ayunan din ng maganda, tuloy-tuloy at mabilis na isinulat na pirma, na nangangahulugang ngayon pa lang ay nasasagap na ng unconscious self mo ang produktibo at mabungang pangingibang-bansang tiyak na magaganap sa taon ding ito ng 2022.
DAPAT GAWIN
Ayon sa iyong mga datos, Unice, tama ang binabalak mong pag-a-abroad at ituloy mo lang ‘yan, dahil tulad ng nabanggit, sa taon ding ito ng 2022, sa buwan ng Setyembre o Oktubre, may isang mabunga at mabiyayang pangingibang-bansang itatala sa iyong kapalaran.




Comments