top of page
Search
  • BULGAR

Palad ng bebot na hirap mag-abroad, matutuloy pa rin

ni Maestro Honorio Ong - @Kapalaran ayon sa Palad | August 13, 2022




KATANUNGAN

  1. Nag-a-apply ako sa abroad ngayon at gustong-gusto kong matuloy para maiahon sa kahirapan ang aming pamilya, pero tutol ang mga magulang ko sa aking plano. Bukod pa rito, ang dami ko nang in-apply-an bago pa magka-pandemya, pero hanggang ngayon ay hindi pa rin ako sinusuwerteng makaalis.

  2. Gayunman, hindi pa rin ako sumusuko dahil alam ko na sa pangingibang-bansa lamang matutupad ang pangarap ko na mabigyan ng kahit kaunting kaginhawahan ang mga magulang ko.

  3. Gusto kong malaman, Maestro, kung ano ang nababasa n’yo sa guhit ng palad ko. May maganda at masuwerteng pag-a-abroad bang mangyayari sa akin? Kung mayroon, kailan naman ito matutupad?


KASAGUTAN

  1. Walang kasablay-sablay at kitang-kita ang malinaw at makapal na Travel Line (Drawing A. at B. t-t arrow a.) sa kaliwa at kanan mong palad. Ito ay tanda na nasa kapalaran mo ang makapag-abroad, pero dahil may maliit na Guhit ng Hadlang (Drawing A. at B. d-d arrow b.) sa kaliwa at kanan mong palad, ito ay malinaw ding tanda na hindi magiging “easy to get” ang pangarap mo na makapangibang-bansa.

  2. Tulad ng nais sabihin ng birth date mong 17, kung saan bago mapitas ang mga pangarap at ambisyon sa buhay, kailangang todo at sagad mo itong paghihirapan. Kapag hirap na hirap ka na, saka lang magkakaroon ng katuparan ang iyong pinapangarap, tulad ng pangingibang-bansa.

  3. Ibig sabihin, nangyayari na sa kasalukuyan ang takda mong kapalaran — dapat mo munang paghirapan nang labis ang bawat ambisyon mo sa buhay bago mo ito makamit. Ganundin sa pangingibang-bansa, makakaranas ka muna ng rejection at frustration, subalit pagkatapos ng mga negatibong pangyayari, kapag hindi ka sumuko, sa halip ay nagpatuloy kang lumaban at pinagsikapan mo talaga ang iyong ambisyon o pangarap na makapag-abroad, matutuwa sa iyo ang kapalaran, ibibigay din sa iyo ng langit ang pangarap at inaambisyon mo sa buhay – magaganap ang mabunga at produktibong pangingibang-bansa.

DAPAT GAWIN

Habang, ayon sa iyong mga datos, Anna Lyn, tiyak ang magaganap sa susunod na taong 2023, sa buwan ng Abril o Mayo, may mabunga at mabiyayang pangingibang-bansang itatala sa iyong kapalaran.

0 comments

Recent Posts

See All

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page