top of page
Search
  • BULGAR

Palad ng bebot na ‘di na makakapag-abroad ulit pero makakapag-asawa sa edad 40

ni Maestro Honorio Ong - @Kapalaran ayon sa Palad | August 5, 2022



KATANUNGAN


  1. Ako ay dating domestic helper sa abroad at matagal na nabakante sa ating bansa mula nang nakauwi ako noong 2019. Nagkasakit kasi ako, kaya napauwi ako agad at mula noon, nag-a-apply pa rin ako, pero nagka-pandemya at hanggang ngayon ay hindi pa ako natatawagan sa mga agency na in-apply-an ko.

  2. Gusto kong malaman sa tulong n’yo kung may pag-asa pa ba akong makabalik sa ibang bansa para makaipon ako muli? May trabaho naman ako ngayon, pero sobrang liit ng suweldo ko at sakto lang para sa sarili kong pangangailangan.

  3. Sa love life naman, sa edad kong 39 ay wala pa rin akong boyfriend. Maestro, tatanda ba akong dalaga o may pag-asa pa na magka-boyfriend at makapag-asawa ako? Kung may pag-asa pa, kailan ito magaganap?

KASAGUTAN

  1. Buti na lang, may kaisa-isang malinaw na Marriage Line (Drawing A. at B. 1-M) na bagama’t napadulo o huli nang dumating, mahaba at makapal pa rin ang pagkakaguhit nito (arrow a.). Tanda na kahit 39-anyos ka na, posibleng magka-boyfriend at makapag-asawa ka sa panahong inilaan ng kapalaran.

  2. Ang pag-aanalisang abot na abot ka pa sa huling biyahe ay madali namang kinumpirma ng lagda mong may maayos at bilugang lower loop o lower zone, kung saan ito ang bilog na nalikha ng buntot ng letrang “g”. Ito ay simbolo ng buhay at masiglang libido na nangangahulgan ding sexual energy na nangingibabaw sa iyong pagkatao. Ibig sabihin, may libog at init ka ng katawan at sa ibang salita, may asim ka pa, kaya may mga lalaki pa ring magkakagusto at magmamahal sa iyo sa takdang panahon.

  3. Samantala, medyo bad news naman ang tungkol sa pangingibang-bansa dahil iisa lang ang iyong Travel Line (Drawing A. at B. t-t arrow b.) na agad namang sinalanta o kinansela ng Guhit ng Hadlang (Drawing A. at B. d-d arrow c.) sa kaliwa at kanan mong palad. Ibig sabihin, tulad ng dati, makapag-abroad ka man sa ikalawang pagkakataon, posibleng hindi rin ito magkaroon ng maganda at positibong resulta. Kaya kung may pinagkakakitaan ka naman ngayon, mas mainam kung ‘yan na lang ang iprayoridad mo kaysa sa pangngingibang-bansa.

MGA DAPAT GAWIN

  1. Tunay ngang sa aktuwal na karanasan, hindi lahat ng suwerte ay napapasakamay ng isang indibidwal. Actually, may mga taong sinusuwerte sa pag-ibig at pag-aasawa, pero hindi naman sinusuwerte sa materyal na bagay. Habang ‘yung iba naman ay sinusuwerte sa materyal na bagay at career, pero nananatiling bigo at luhaan sa pag-ibig.

  2. Habang, ayon sa iyong mga datos, Jhoanne, mas maganda na huwag mo nang ituloy ang pangingibang-bansa, lalo na kung hindi ka pa naman tinatawagan ng iyong agency o employer. Sa halip, asikasuhin at pagbutihin mo ang kasalukuyan mong hanapbuhay ngayon at hintayin mo ang pagdating ng lalaking isinilang sa zodiac sign na Taurus, dahil siya ay lulutang ngayong 2022 sa buwan ng Setyembre hanggang Oktubre.

  3. Siya ang nakatakda mong mapangasawa at makasama habambuhay sa pagbuo ng masayang pamilya na nakatakda namang mangyari sa susunod na taong 2023 at sa edad mong 40 pataas.

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page