top of page
Machong Chismisan - YT.jpg

Pak, ganern!... SIGAW NG NETIZENS: ANDREA, GINAGAMIT ANG BREAKUP NILA NI DEREK PARA MAPAG-USAPAN

Writer: BULGAR
BULGAR
Dec 29, 2020
1 min read

ni Nitz Miralles - @Bida | December 29, 2020




Ginulat ni Andrea Torres ang mga kaibigan at followers niya sa Instagram sa kanyang post na suot ang purple two-piece swimsuit. Short lang ang caption ni Andrea sa picture, “Gearing up for 2021,” pero parang nasa four words na ‘yun ang lahat ng gusto niyang gawin next year.


Sa mga comments ng mga kaibigan na “Ayan na syaaaa!!!, “Let’s go, Ada,” “Paloveeennn,” “She’s baaaaack!!!,” “Grabehan,” “Nagbabalik si Venus Torralba,” ay parang ito lang ang hinihintay nila para mag-active na uli si Andrea.


Para sa iba, sign na rin ito sa pagmu-move on ni Andrea sa breakup nila ni Derek Ramsay at suportado siya ng kanyang mga kaibigan.


Ang mga fans lang nina Andrea at Derek ang nagsasagutan. Sabi ng mga fans ni Andrea, siya lang naman ang iniwan at sinayang ni Derek.


Sagot naman ng mga fans ni Derek, ginagamit ni Andrea ang breakup nila ng aktor para tuluy-tuloy siyang napag-uusapan. Bakit daw si Derek lang ang nasisi sa paghihiwalay nila, eh, desisyon naman nilang dalawa ang breakup.


Anyway, isa sa mga magpapa-busy kay Andrea ang pagpapatuloy ng taping ng Legal Wives na ang sabi, tatapusin muna ang buong serye bago ipalabas. Kaya, sa March, 2021 ang target airing ng cultural drama.


Gagampanan ni Andrea ang isa sa tatlong asawa ng karakter ni Dennis Trillo.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page