top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

Pahiwatig ng pagtitipon at makakaligtas sa gulo

BULGAR
Sep 12, 2022
2 min read

ni Estrellia de Luna - @Panaginip gabay ng buhay | September 12, 2022


Analisahin natin ang panaginip na ipinadala ni Joanna ng Marinduque.


Dear Maestra,


Isa ako sa tagasubaybay ng inyong kolum, kaya gusto ko ring magpaanalisa ng panaginip ko.


Napanaginipan ko na nagluluto ako sa kusina habang nanonood ‘yung mga magulang ko. Patay na sila sa totoong buhay, pero sa panaginip ko ay buhay na buhay sila.


Pagkatapos kong magluto ay naghain na ako. May bisita ako na matandang lalaki at kasabay naming kumain. May gusto sa akin ‘yung matanda at hindi na siya umalis sa tabi ko kahit umiiwas ako dahil hindi ko naman siya gusto.


Ano ang ibig sabihin ng panaginip ko?

Naghihintay,

Joanna


Sa iyo, Joanna,


Ang ibig sabihin ng panaginip mo na nagluluto ka sa kusina n’yo ay magkakaroon ng masayang pagtitipon sa inyong bahay. Maaaring ito ay birthday party kung saan magkakatuwaan kayo ng mga kaibigan n’yo na hanapan ng ka-match o partner ‘yung wala pang dyowa sa kasalukuyan.


‘Yun namang nanonood sa pagluluto mo ang iyong ina na parang buhay pa siya, gayung malaon na siyang patay ay nangangahulugan na may kaligayahang darating sa iyong buhay nang hindi mo inaasahan.


Ang ibig sabihin naman ng nakita mo rin ‘yung tatay mo na matagal na ring patay, pero buhay din sa panaginip mo ay pahiwatig na madadamay ka sa isang gulo, pero malulusutan mo ito dahil may tutulong sa iyo.


Samantala, ang matandang lalaki na bisita n’yo na may gusto sa iyo ay nangangahulugan ng financial success. Madadagdagan ang kita mo at magkakapera ka sa darating na mga araw.


Ang naghain ka na pagkatapos mong magluto ay nangangahulugang magiging abala ka sa darating na mga araw. Marami kang gagawin para sa ikauunlad ng kabuhayan mo.


Matapat na sumasaiyo,

Maestra Estrellia de Luna


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page