Pahiwatig na uunlad at yayaman dahil sa negosyo
- BULGAR

- Nov 27, 2023
- 2 min read
ni Maestro Honorio Ong @Kapalaran Ayon sa Inyong Numero | November 26, 2023
Dear Maestro,
Dalawang beses na akong nabi-biyuda at ngayon ay natatakot na akong mag-asawa. Pero ngayon, may tatlo akong manliligaw, una ay si Mr. Taurus na may birthday na May 14, 1984, pangalawa ay si Mr. Aquarius na may birthday na February 4, 1981 at ang pangatlo ay si Mr. Aries na may birthday na March 30, 1980.
Sino sa kanilang tatlo ang ka-compatible at dapat kong sagutin para habambuhay na akong maging maligaya sa larangan ng pag-aasawa? August 28, 1988 naman ang birthday ko. Nais ko ring malaman kung anu-ano ang masuwerte kong mga numero dahil minsan ay tumataya rin ako sa lotto?
Umaasa,
Ellese ng San Juan, Cainta, Rizal
Dear Ellese,
Ayon sa birth date mong 28 o 1 (2+8=10/ 1+0=) at sa zodiac sign na Virgo, higit mong ka-compatible si Mr. Taurus na isinilang noong May 14, 1984, kung saan ang zodiac sign niyang Taurus habang Virgo ka naman ay sadyang suwetung-suweto at tugma sa isa’t isa.
Dagdag pa rito, ang zodiac sign mong Virgo na may ruling planet na Mercury ay taglay ang numerong 5, na siya namang birth date ni Mr. Taurus, dahil ang 14 ay kinokompyut ng ganito, 1+4=5. Ibig sabihin, kapag kayo ang nagkatuluyan at nagsama, sigurado na ang isang maunlad, maligaya at panghabambuhay na relasyon.
Samantala, bukod sa sarili mong numero na 1, 10, 19, 28, 37 at iba pang numero na may sumatotal na 1, sinasabing ikaw din ay mapalad sa lahat ng numero na may sumatotal na 4 at 5, tulad ng 13, 22, 31, 40, 14, 23, 32, 41 at iba pang kauri nito. Maaari mo ring subukan ang 1, 19, 26, 34, 41 at 42, gayundin ang 1, 17, 28, 34, 38 at 40.
Para masigurado ang malaking panalo sa anumang uri ng pakikipagsapalaran, maghanap ka ng lotto outlet na malapit sa paradahan o paliparan ng eroplano o kaya’y paradahan at daungan ng mga barko, puwede rin ang lotto outlet na malapit sa MRT o LRT o paradahan ng mga bus at sasakyan. Sa nasabing lotto outlet magaganap ang iyong dambuhalang panalo, higit lalo sa mga piling buwan ng Oktubre, Nobyembre o Mayo sa mga taong paborable sa iyong kapalaran, na taong 2025, 2028 o 2034.




Comments