Pahiwatig na uunlad ang negosyo at liligaya sa buhay
- BULGAR
- Dec 12, 2023
- 1 min read
ni Estrellia de Luna @Panaginip gabay ng buhay | December 12, 2023
Analisahin natin ang panaginip na ipinadala ni Myrna ng Pasig.
Dear Maestra,
Napanaginipan ko na naglalakad ako sa isang napakagandang park. Ang daming puno ng palmera. May fountain din, at ang ganda pagmasdan ng tubig na nag-iibaiba ang kulay.
Ano ang ibig sabihin ng panaginip ko?
Naghihintay,
Myrna
Sa iyo, Myrna,
Napakaganda ng panaginip mo na naglalakad ka sa napakagandang park. Ito ay nangangahulugan na maraming nagmamahal sa iyo na tunay at walang halong kaplastikan. Ito rin ay nagpapahiwatig na uunlad ang negosyo mo, gaganda ang kalusugan at magiging maligaya ka sa susunod na mga araw.
Ang palmera ay senyales na sasagana ka sa materyal na mga pangangailangan at magkakaroon ka rin ng mahabang buhay.
Samantala ang fountain naman na nag-iibaiba ang kulay ng tubig ay tanda na may mamanahin kang mga ari-arian at salapi mula sa mahal mo na yumao na.
Matapat na sumasaiyo,
Maestra Estrellia de Luna







Comments