top of page
Search
  • BULGAR

Pahiwatig na uunlad ang bagong negosyo

ni Estrellia de Luna - @Panaginip gabay ng buhay | January 18, 2022



Analisahin natin ang panaginip na ipinadala ni Rosie ng Pila, Laguna.


Dear Maestra,


Nawa’y nasa mabuti kayong kalagayan at malayo sa sakit at karamdaman na dulot ng COVID-19. Gusto kong magpaanalisa ng panaginip ko.


Ano ang ibig sabihin ng mga isda sa panaginip ko? Maraming isda sa swimming pool namin kaya hindi kami makaligo. Biglang nagkaroon ng mga isda, tapos nanghuli ako.


Sa umpisa ay hindi ako makahuli, pero hindi ako tumigil hanggang sa bandang huli ay nakahuli rin ako ng mga isda at tuwang-tuwa ako.

Naghihintay,


Rosie


Sa iyo, Rosie,


Ang ibig sabihin ng maraming isda sa swimming pool n’yo ay may mag-o-offer sa iyo ng bagong negosyo. Gayunman, ang sabi mo ay nakahuli ka ng isda, ibig sabihin, uunlad ang negosyong ‘yun at sasagana ka na. Pero kung hindi ka nakahuli, ibig sabihin ay hindi ka magtatagumpay sa anumang negosyong papasukin mo. Mabuti naman at sumubok kang manghuli.


Hanggang dito na lang, mag-ingat ka palagi. Sumaiyo nawa ang pagpapala ng Dakilang lumikha.


Matapat na sumasaiyo,


Maestra Estrellia De Luna


0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page