top of page
SHEET - MGA ARTISTANG NAG-EENDORSO NG ONLINE GAMBLING, ‘DI NAGLALARO-IG _ogie_diaz.jpg

Pahiwatig na tunay na kaibigan ang itinuring na kaaway

  • BULGAR
  • Jun 17, 2022
  • 1 min read

ni Estrellia de Luna - @Panaginip gabay ng buhay | June 17, 2022


Analisahin natin ang panaginip na ipinadala ni Larry ng Naic, Cavite.


Dear Maestra,


Mahilig akong mag-alaga ng hayop. May alaga akong bulldog at mga baka sa farm namin.


Napanaginipan ko na nagwala ang alaga kong baka, galit na galit ito at parang gusto akong suwagin. Tumakbo ako, pero hinabol ako ng baka at buti na lang, nakaiwas ako.

Last Sunday naman, napanaginipan ko ‘yung alaga kong bulldog na kinagat ako. Bigla itong naulol ako ang napagbalingan.


Ano ang ibig sabihin ng mga panaginip ko?


Naghihintay,

Larry



Sa iyo, Larry,


Ang ibig sabihin ng galit na galit ang alaga mong baka ay may nagbabantang gulo sa buhay mo. Maaaring masangkot ka sa kaguluhan dahil sa iyong itinuturing na mga kaibigan, pero lihim mo palang kaaway. Ang sabi mo ay hinabol ka ng baka, ito ay nagpapahiwatig na maiiwasan mo ang naturang gulo. Matatapos din ito agad at muli kayong magkakaunawaan ng iyong mga kaibigan.


Samantala, ang bulldog naman ay nangangahulugan na ang itinuturing mong kaaway ay siya pala ang tunay mong kaibigan na nagmamalasakit sa iyo at handang tulungan ka sa iyong kagipitan. Kumbaga, mali ka pala ng pagkakakilala sa kanya.


Subalit ang sabi mo ay naulol ang aso mo, ikaw ang pinagbalingan at kinagat ka nito. Nangangahulugan naman ito na may katwiran ka kung bakit wala kang tiwala sa mga kaibigan mo. Madalas ka kasing mabiktima dahil sa sobra mong kabaitan at magandang pakikitungo sa kanila. Alalahanin mo, hindi lahat ng tao ay pare-pareho ng ugali. May kani-kanyang kahinaan at kalakasan ang bawat isa.



Matapat na sumasaiyo,

Maestra Estrellia de Luna


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page