ni Estrellia de Luna @Panaginip Gabay ng Buhay | June 5, 2024
Dear Maestra,
Madalas kong mapanaginipan ang papel at saranggola.
Ano ang ibig sabihin ng mga panaginip ko?
Naghihintay,
Belinda ng Ilocos Sur
Sa iyo, Belinda,
Depende sa papel ang ibig sabihin ng panaginip mo. Kung sa panaginip mo, kulay puti ang papel at nakatiklop nang maayos, ito ay nangangahulugan ng kaligayahan at hangaring lubos na matutupad. Liligaya ka na, at matatapos na ang mga pasanin mo sa buhay. Ito rin ay nangangahulugan na may kaibigang tutulong sa iyo upang makamit mo ang tagumpay.
Kung ang papel naman ay lukot at hindi maganda ang pagkakatupi, ito ay paalala ng pagkabalisa, magulong isipan at walang kapanatagan. Ito rin ay babala na masasangkot ka sa isang kaguluhan.
Samantala, kung ang saranggola na tinutukoy mo sa panaginip mo ay pinapalipad mo, ito ay senyales na mapo-promote ka sa pinakamataas na posisyon sa pinapasukan mong trabaho. Ito rin ay sign na makakatanggap ka ng karangalan d’yan sa barangay n’yo. Susuwertehin ka rin pagdating sa pag-ibig, negosyo at pagsasaka.
Pero kung ang saranggola ay napatid, bumagsak sa lupa, kamalasan ang ibig sabihin nito. Makakaranas ka ng paghihirap sa buhay at mahihirapan ka ring abutin ang tagumpay.
Matapat na sumasaiyo,
Maestra Estrellia de Luna
Comentários