top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

Pahiwatig na sobrang yayaman ang lalaking anak

Writer: BULGAR
BULGAR
Aug 4, 2022
1 min read

ni Estrellia de Luna - @Panaginip gabay ng buhay | August 4, 2022


Analisahin natin ang panaginip na ipinadala ni Lorens ng Cebu.


Dear Maestra,


Sana ay maganda ang araw n’yo sa sandaling mabasa n’yo ang aking panaginip.


Napanaginipan ko na nasa malaking farm ako na taniman ng mga prutas. Hitik na hitik sa bunga ‘yung mansanas, tapos namitas ako at pinuno ko ‘yung basket na dala ko.


Ano ang ibig sabihin ng panaginip ko?


Naghihintay,

Lorens



Sa iyo, Lorens,


Maganda ang ipinahihiwatig ng panaginip mo na pumunta ka sa farm ng mga prutas at nakita mo na maraming bunga ‘yung mansanas. Nangangahulugan ito na magtatagumpay ka sa mga binabalak mong gawin.


Gayunman, ang sabi mo ay ikaw mismo ang namitas ng mansanas, ibig sabihin, isa sa mga anak mong lalaki ay magiging mayamang-mayaman. Habang ang basket na pinuno mo ng mansanas ay nagpapahiwatig na malalagpasan mo ang mga balakid o hadlang sa mga plano mo at magtatagumpay ka sa iyong mga pangarap.


Matapat na sumasaiyo,

Maestra Estrellia de Luna


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page