top of page
Search
  • BULGAR

Pahiwatig na sobrang labs at pakakasalan ng bf

ni Estrellia de Luna - @Panaginip gabay ng buhay | May 17, 2022


Analisahin natin ang panaginip na ipinadala ni Rizalyn ng Davao.


Dear Maestra,


Magandang araw sa inyo. Gusto kong magpaanalisa ng panaginip ko.


Napanaginipan ko ‘yung dyowa ko na masayang-masaya ang mukha at nakangiti sa akin, kaya nginitian ko rin siya. Nakasuot siya ng puting t-shirt at itim naman ang pantalon niya, habang ang suot ko ay pink.


Ano ang ipinahihiwatig ng panaginip ko?


Naghihintay,

Rizalyn



Sa iyo, Rizalyn,


Ang panaginip mo na masayang-masaya ang mukha ng dyowa mo at nakangiti sa iyo ay nagpapahiwatig na mahal na mahal ka niya. Ang kanyang pagmamahal ay totoo at walang bahid ng pagkukunwari ang ipinakikita niya sa iyo. Handa rin siyang pakasalan ka, anumang oras mo gustuhin.


‘Yun namang suot niyang t-shirt na puti ay nangangahulugan na gusto niyang mapanatag ang pagod niyang isipan. Nais niyang magpahinga kahit ilang sandali lamang. Ang itim na pantalon ay nag-iinvite ng negative. Conflict din ang ibig sabihin nito kung puti ang katernong t-shirt. Gayundin, nangangahulugan na madalas ay kumplikado ang mga lakad niya. May conflict din sa mga desisyon niya.


Samantala, ang kulay pink naman na suot mo sa iyong panaginip ay nangangahulugan na in love ka sa dyowa mo. Mahal na mahal mo siya gaya ng pagmamahal niya sa iyo. Palaging kulay rosas ang inyong paligid kapag kayo ay magkasama.


Matapat na sumasaiyo,

Maestra Estrellia de Luna


0 comments

Recent Posts

See All

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page