top of page

Pahiwatig na sa ex-BF pa rin ang bagsak

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Apr 27, 2024
  • 1 min read

ni Estrellia de Luna @Panaginip gabay ng buhay | Ika-27 Araw ng Abril, 2024



ree

lisahin natin ang panaginip na ipinadala ni Carol ng Bulacan.


Dear Maestra,


Napanaginipan ko ‘yung ex ko. Handa niya umano akong pakasalan, nakangiti siya at may dalang kuwintas na may palawit na perlas. Agad niya rin itong sinuot sa akin.


Ano ang ibig sabihin ng panaginip ko?


Naghihintay,

Carol


Sa iyo, Carol,


Ang ibig sabihin ng panaginip mo na handa kang pakasalan ng ex mo, nakangiti siya sa iyo ay mahal ka pa rin niya hanggang ngayon. Totoo ang pag-ibig niya, at wala itong halong pagkukunwari. Tapat siyang magmahal at mabuting asawa.


Ang sinuot niya ang kuwintas sa iyo ay nangangahulugan na ang ex mo na nga ang iyong makakatuluyan. Hindi na siya magpapatumpik-tumpik pa. Sisiguraduhin niya na hindi ka mapupunta sa ibang lalaki, at kayo na ang magsasama habambuhay. Ito rin ay nangangahulugan na magiging stable at matatag ang kanyang kalagayan. Ibig sabihin, kayang-kaya niyang magkaroon ng sariling pamilya.


Samantala, ang palawit na perlas ay nangangahulugan ng kaligayahan, karangalan at kayamanan. Liligaya ka sa piling ng dati mong dyowa. Pagpapalain at yayaman din kayo. 


Matapat na sumasaiyo,

Maestra Estrellia de Luna


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page